UMABOT sa 40,000 reklamo ang natanggap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa online fraud noong nakaraang taon.
Ayon sa bankfraud.ph na siyang tumutulong sa mga biktima ng online fraud at cyber theft, maraming mga bumili ng bank account sa presyong hindi bababa sa P4,000.
Base sa imbestigasyon, ang mga nabibiling account ay ginagawang money mule o mule account na ginagamit para mailabas ng mga suspek ang mga perang ninanakaw mula sa mga bank depositor.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng biktima at napilitan lang din ang mga nasasangkot sa naturang krimen dahil sa kagipitan bunsod na rin ng pandemiya.
Samantala, sang-ayon naman ang Bankers Association of the Philippines (BAP) na palawigin ang Cyber Security Law na isinusulong sa Kamara para gawing krimen ang pagbebenta ng account sa Pilipinas. DWIZ 882