TINAPOS na ng Senado ang period of interpellation para sa panukalang 2022 pambansang budget.
Huling isinalang sa budget deliberations sa Senado ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at ang Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ang PCOO sa pamamagitan ng isang sulat mula kay Sec. Martin Andanar ay humingi ng apology matapos ang naging insidente sa unang araw ng budget interpellation para sa panukalang pondo ng ahensiya noong Nobyembre 23.
Matatandaan na ayon sa Office of the Sgt. at Arms ay nakita nito ang sales and marketing manager ng Apo Production Unit na si Dominic Tajon na umiinom ng alak habang uma-attend ng deliberations virtually.
Ang Apo Production Unit ay nasa ilalim ng PCOO.
Sa liham ni Andanar na binasa ni Sen. Richard Gordon ang i-sponsor ng budget ng PCOO na iimbestigahan nila ang naturang insidente at handa silang parusahan si Tojan kung mapatutunayang guilty ito ng misconduct.
Sa pamamagitan din ng isang sulat na binasa ni Gordon ay humingi rin ng tawad si Tojan pero nilinaw na hindi alak ang iniinom nito kundi cola.
Tinanggap naman ng mga senador ang apology ni Andanar at Tojan pero anila hindi ito dapat maulit sa Senado.
Tuluyan namang ipinasa ng mga senador ang panukalang pondo ng PCOO sa plenaryo matapos tiyakin ng PCOO na walang trolls sa loob ng ahensiya.
Nobyembre 23 nang tuluyang isinara ng Senado ang period of interpellations para sa panukalang pondo sa 2022 na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.
Inaasahan na sa susunod na linggo ay mapalulusot na ang national budget. LIZA SORIANO