NATIONAL DPWH, HINILING NG SOLONS SA BARMM

Mujiv Hataman

ISINUSULONG ng walong mga kongresista mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pagtatatag ng National Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inihain nina House Deputy Speaker Mujiv Hataman at ng pitong iba pang kinatawan ng BARMM ang House Resolution 333 para sa pagka-karoon ng National DPWH upang mapabilis ang mga infrastructure projects na ipatutupad sa rehiyon.

Paliwanag ni Hataman, ito ang naisip nilang solusyon upang matiyak na matagumpay ang mga proyektong pang-impraesktruktura sa BARMM.

Nababahala ang kongresista na sa ilalim ng cash budgeting system para sa pag-appropriate ng proyekto ay hindi maipatutupad ang lahat ng mga programa ng DPWH dahil kinakaila­ngan na magastos ang pondo sa loob ng isang taon at kung hindi ay babalik ang pondo sa National Treasury.

Bukod dito, mahihirapan din ang BARMM na ma-i-deliver ang mga infra project dahil sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL), ang bagong Autonomous ay limitado lamang sa Minister of Public Works at ang mga road project ay nasa mandato ng national government sa ilalim ng DPWH. CONDE BATAC

Comments are closed.