NAGPALABAS ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag ng National Government Administrative Center sa New Clark City sa Capas, Tarlac na magsisilbing “back-up” government center sa labas ng National Capital Region sa panahon ng mga sakuna.
Sa ilalim ng Executive Order No. 119, na nilagdaan noong Nobyembre 17,2020 sinabi ng Pangulong Duterte na ang NCR kung saan nakasentro ang national government ay nakalantad sa panganib na catastrophic earthquake na posibleng dulot ng paggalaw ng West and East Valley faults.
“In view of the potential repercussions to the seat of the National Government from aforesaid threats…there is an urgent need to establish an integrated government center outside the NCR, which will serve as a back-up administrative hub and which may be utilized as disaster recovery center, to ensure continuity of government services, as well as facilitate collaboration and coordination between and among government agencies,” ang sabi pa sa EO.
Base sa kautusan ang pagtatatag ng back-up government center sa labas ng NCR ay bikang suporta na rin sa pagka-karoon ng dagdag na employment opportunities sa mga karatig lalawigan, at kakulangan sa regional development at unequal distribution of wealth.
Inaatasan sa ilalim ng EO ang lahat ng departamento at ahensiya ng pamahalaan na magtatag ng satellite o field offices sa NGA sa New City.
“For this purpose, all concerned offices shall formulate and adopt appropriate business continuity and financial plans, including the operationalization of their respective back-up offices at the NGAC, in case of a calamity capable of paralyzing government operations in the NCR,” sabi pa sa EO.
Hinikayat din ng Pangulong Duterte ang mga government-owned or -controlled corporations at maging ang Legislative at Judicial branches ng gobyerno at mga independent at constitutional bodies na magkaroon din ng kani-kanilang satellite o field offices sa nabanggit na lugar.
Sa kasalukuyan, ang main office ng Department of Transportation ay nasa Clark.
Kaugnay nito ay inatasan ng Pangulo ang Bases Conversion and Development Authority na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya na makakuha ng advantageous, co-efficient at flexible logistical at financial arrangements kaugnay sa pagkakaroon ng mga satellite at field offices sa New Clark City. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.