National Reading Month: STUDES TIYAKING MARUNONG MAGBASA

Students from Justo Lukban Elementary School rely on electric fans to keep themselves cool inside their warming classrooms. Metro Manila and other parts of the country are currently dealing with temperatures beyond 40 degrees. Photo by NORMAN ARAGA

Sa gitna ng pagdiriwang ng National Reading Month ngayong Nob­yembre, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa pagbabasa, bagay na aniya’y mahalagang hakbang sa pagtugon sa kasalukuyang krisis sa edukasyon.

Kasunod ng paglagda sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Republic Act No. 12028), umaasa si Gatchalian na maipatutupad ang mga sistematikong tutorial sessions at interventions plans na mag-aangat sa literacy at reading proficiency ng mga mag-aaral. Sa ilalim ng batas na akda at isinulong ni Gatchalian, itatatag ang ARAL Program upang magbigay ng pambansang learning intervention program na titiyaking nakakamit ang mga essential skills at natutugunan ang learning loss ng mga mag-aaral.

Saklaw ng ARAL Program ang mga essential learning competencies sa ilalim ng K to 12 Basic Edu­cation Curriculum, lalo na sa reading at mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, at science para sa Grade 3 hanggang Grade 10. Layon din ng naturang programa na patatagin ang literacy at numeracy competencies ng mga mag-aaral sa Kindergarten upang patatagin ang kanilang foundational skills.

Binalikan ni Gatcha­lian ang mga naging resulta ng international large-scale assessments upang bigyang diin ang pangangailangang iangat ang reading proficiency ng mga mag-aaral. Lumabas sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na pang-76 sa 81 na bansa ang Pilipinas pagdating sa Reading. Lumabas din sa naturang assessment na 76% ng mga mag-aaral na 15-taong-gulang ang hindi nakamit ang minimum proficiency sa pagbabasa.

“Sa pagsugpo natin sa krisis sa edukasyon na hinaharap ng bansa, mahalagang hakbang ang pagtiyak na marunong bumasa at umunawa ng kanilang binabasa ang ating mga mag-aaral. Sa pagpapatupad ng ARAL Program at sa iba pang programang isinusulong natin para sa pagbasa, matutulungan natin ang ating mga kabataang magkaroon ng matibay na pundasyon sa kanilang pag-aaral,” ani Gatcha­lian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Isinusulong din ni Gatchalian na gawing ins­titutionalized ang pagdiriwang ng National Reading Month sa buwan ng Nob­yembre. Layon ng National Reading Month Act (Senate Bill No. 475) na kanyang inihain ang pagsasagawa ng mga reading activities upang isulong ang kultura ng pagbabasa sa mga mag-aaral sa kanilang mga komunidad.