NATIONAL STATE OF EMERGENCY SA MINDANAO BINAWI NA NG PALASYO

BINAWI  na ni Pangulong Marcos Jr., ang state of national emergency sa Mindanao dahil sa pagbuti ng sitwasyon sa seguridad at kaayusan.

Base ito sa Proclamation No. 208 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ikinatuwiran sa proklamasyon ang pagbuti na ng sitwasyon sa Mindanao.

Pinaniniwalaan na ang hakbang ay makakabuti para sa pagbuti ng ekonomiya sa rehiyon.

“Through successful focused military and law enforcement operations and programs that promote sustainable and inclusive peace, the government has made significant gains in improving and restoring peace and order in the region,” ayon sa proklamasyon.

Idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of national emergency noong Setyembre 4, 2016 dalawang araw matapos ang pagsabog sa Davao City na nagresulta sa pagkasawi ng 14 katao at pagkakasugat ng 60 iba pa.

Ipinunto rin ang mga karahasan na kagagawan ng private armies, local warlords, bandido, criminal syndicates, terrorist groups, at religious extremists.