ISINAGAWA ang collaborative research and development project para makalikha ng ready-to-drink juices mula sa hilaw na mangga, mint, yakon at iba pa na pinondohan at sinusuportahan ng Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na magkakaloob ang ahensiya ng pondo at tulong teknikal para sa proyekto ng Lyceum of the Philippines University at Vinoca Manufacturing, na gagawa ng natural drinks.
Paghahaluin ang hilaw na mangga, mint, at yacon, watermelon, ay celery.
“Green mango is rich in antioxidant, acidic, and has vitamin-rich properties, while yacon is a nutraceutical product rich in phenolic acids, antioxidants, and flavonoids,” ayon kay de la Peña.
Ang mint, naman ay puno ng phytonutrients na makatutulong sa pagbuo ng enzymes para sa panunaw.
Matutukoy sa collaborative project ang physico-chemical, microbiological, at sensory properties ng ready-to-drink juices.
“During the development of the juice, the product nutritional value, sugar profile, and functional properties will be characterized,” dagdag nito.