NAT’L VOLLEYBALL TEAMS TODO PAGHAHANDA SA VIETNAM SEA GAMES

Ramon Suzara

ISASAILALIM ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang national teams sa foreign training para simulan ang kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa May 12-23.

Ang men’s indoor volleyball team, determinadong maiuwi ang gold medal matapos ang silver finish noong nakaraang 2019, ay lilipad sa Qatar sa March 20 at tatagal ang kanilang training hanggang April 5.

Sinabi ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara na nakatakda sanang magsanay ang men’s squad sa Italy subalit hindi natuloy dahil sa restrictions.

“We can bring our experience (that we will get from Qatar) here in the Philippines and all the way to the SEA Games,” ani head coach Dante Alinsunurin na ang koponan ay pangungunahan ni skipper John Vic De Guzman.

Samantala, ang women’s indoor team ay magsasagawa ng two-week intensive training sa Brazil simula sa  April 12, ilang araw lamang makaraang matapos ang 2022 Open Conference ng Premier Volleyball League (PVL) sa April 9.

Maghahanda sila para mahigitan ang fourth-place finish sa naunang edisyon kung saan hindi sila nakatikim ng panalo kontra Southeast Asian neighbors Thailand, Vietnam, at  Indonesia.

Ang men’s at women’s beach volleyball teams ay umalis din kagabi patungong

Brisbane, Australia para magsagawa rin ng overseas training sa pangunguna ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons.

“Foreign experiences, you cannot buy that. A lot of foreign experience can help our national teams improve their level. Although it’s costly, we need to have additional support,” sabi ni Suzara sa  virtual send-off ceremony Martes ng umaga.

“Our target is to get the gold in the four teams. The level of play for the Southeast Asian games this May should be equal because of the pandemic, but I think we will put up a good fight.”