NATUKLASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang P90 milyong halaga ng smuggled sugar at cigarettes sa Manila Interna tional Container Port (MICP).
Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang physical examination ng limang shipments na naglalaman ng naturang mga puslit na produkto.
Ayon sa BOC, ang inspeksiyon na isinagawa noong Feb. 17 ang una sa pinamunuan ni newly appointed Customs chief Commissioner Bienvenido Rubio.
Ang mga container, na dumating sa pagitan ng Jan. 5, 2023 at Feb. 12, 2023, ay naglalaman ng tinatayang an P90,442,850 halaga ng smuggled items.
Inirekomenda ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP ang pag-iisyu ng alert orders (AOs) makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa shipments — tatlo ay nagmula sa Hong Kong, habang ang dalawa ay mula sa China.
Sumama rin sa inspeksiyon sina BOC Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy at Manila International Container Port District Collector Arnoldo Famor.
Ayon kay Uy, isasagawa ang kaukulang seizure and forfeiture proceedings laban sa subject shipments dahil sa paglabag sa Section 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Goods) of Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, Sugar Regulatory Administration rules and regulations, at sa National Tabacco Administration rules and regulations.
PNA