NAVY SHIP NA MAG-UUWI NG MED EQUIPMENT NASUNOG, 2 SUGATAN

Navy Ship

LIMANG oras matapos maglayag mula Port of Cochin , India ay nagkaroon ng sunog sa loob ng barko ng Phliipine Navy na may kargang medical equipment habang pabalik na ng Pilipinas na ikinasugat ng dalawang navy personell, ayon kay LCdr Ma. Christina “Tiny”  Roxas.

Ayon kay Roxas kasalukuyang nagsasagawa pa ng damage assessment ang mga engineers na skay ng BRP Ramon Alacraz  (PS16)matapos na magliyab ang isang bahagi ng barko.

Kapwa nagtamo ng second degree burn ang dalawang tauhan ng Philippine Navy sa kasagsagan ng pag-apula ng sunog na na-ideklarang fire out ilang minute ang nakaipas Huwebes ng gabi, habang pabalik na sana ng Maynila mula Port of Cochin convoy ang BRP Davao del Sur LD-602.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ng Philippine Navy na nagsimula ang sunog sa main engine room ng barko at naapula matapos ang 10 minuto.

Dalawang personnel ang nagtamo ng second degree burns.

Sasailalim sila sa “extensive medical attention” sa naval hospital sa Cochin, India.

Nagsasagawa ng assessment ang mga sakay na engineer ng barko upang malaman kung tutuloy sila sa paglalayag o babalik sa India para sa pagkumpuni ng bahagi ng barko.

Pinapurihan naman ni Navy Flag Officer in Command Vice Adm Giovanni Carlo Bacordo ang naging mabilis na pagkilos ng kanilang mga tauhan na tumugon sa sunog kaya mabilis itong naapula at naiwasan ang mas malaki pang peligro.

“This unfortunate incident could have been worse if not for the promptness of our PN personnel in responding to the fire incident. We recognize the gallant efforts of our personnel in responding to the emergency situation in spite of the dangers involved,” pahayag pa ng opisyal. VERLIN RUIZ

Comments are closed.