NBA GAMES LIBANGAN SA GITNA NG PANDEMYA, SALAMAT SA CIGNAL TV

Joes_take

ILANG linggo na ang nakalilipas nang talakayin ko ang kahalagahan ng sports para makapaglibang ang mga Filipino  lalo ngayong panahon na lugmok ang karamihan dulot ng pandemya.  Kaya naman tuloy lang ang Philippine Basketball Association (PBA) sa paghahanda ng kanilang mga player para sa inaabangang pagbabalik nito, uunahin muna ang pag-eensayo upang masanay muli sila sa bakbakan sa court, bago buhayin muli ang Season 45 na biglang nahinto para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa nauna ko ring column ay nabanggit ko na karamihan sa sports organizations sa mundo ay sumusunod sa National Basketball Association (NBA) sa sistema ng muling pagbubukas ng sports games na naantala ng pandemya. Pinag-planuhan at pinag-isipang mabuti ng NBA ang kanilang mga hakbang para bumuo ng makabago, istrikto at ligtas na ‘bubble facility’  para maihiwalay at maprotektahan ang players habang ipinagpapatuloy ang regular 2020 season at playoffs.

Malaki ang sakripisyo ng mga NBA player sa ganitong sitwasyon, kailangan nilang mag-impake at iwan ang kanilang mga pamilya ng mas mahabang panahon para makasama ang iba pang NBA players sa quarantine facility sa Disneyland sa Orlando, Florida. Para makaiwas sa pangungulila, naglaan din ang NBA ng programa para maalagaan ang mental at psychological health ng mga player.

Ang mga sakripisyong ito ng players ay siguradong pahahalagahan ng  basketball fans sa buong mundo, lalo na ang mga bansang basketball-crazy, tulad ng Filipinas. Laking tuwa ng mga basketball fan sa buong bansa nang malamang mapapanood  muli ang paborito at pinanabikang mga laro ng NBA sa bahay, habang kasama ang buong pamilya.

Kamakailan lang ay inanunsiyo ng Cignal TV na pumirma ito ng tatlong taong kontrata sa NBA upang i-ere ang mga laro nito sa free-to-air channels TV5 at One Sports. Bukod dito, puwede ring mapanood ang NBA sa pay TV sa pamamagitan ng NBA TV Philippines, ang exclusive channel ng Cignal para sa premium at postpaid subscribers nito.

Nagsimula na ang pagpapalabas ng NBA games nitong huling linggo- kinalaban ng nangununang LA Lakers ang pinalakas na LA Clippers at live itong napanood sa Cignal TV, TV5 at One Sports. Para naman sa mga nais na makapanood  ng lahat ng NBA games, ino-offer din ng Cignal TV ang NBA TV Philippines, kung saan puwedeng panoorin ang replays at live airing ng dalawa o higit pang mga laro araw-araw.

Ayon kay Guido Zaballero, first vice-president at head of marketing ng Cignal, ang NBA TV Philippines ay available sa standard definition (SD) at high definition (HD) para sa mga mayroong postpaid Plan 520 at pataas. Para naman sa prepaid subscibers, ang HD feed ay available sa Load 600 habang ang SD naman ay para sa Load 450.

Mayroon ding tingi-tingi o ‘ala carte’na handog ang Cignal brands. Para sa mga umaalis ng bahay para pumunta sa trabaho, ang NBA games ay available sa mobile platform. Ang One Sports at TV5 naman ay available sa Cignal Play mobile app. Smart ang magbibigay access ng NBA content sa mga user.

Pinalawig din ng Smart ang partnership nito sa NBA sa pamamagitan ng NBA League Pass – ang premium live game subscription service. Ila-livestream ng Smart ang NBA TV Philippines sa bago nitong  serbisyo, na magiging available exclusively sa postpaid subscribers ng Smart.

Ayon kay Smart President at CEO Al Panlilio, bagay na bagay sa mga Pinoy ang mga bagong serbisyo na ito, “As some of the world’s biggest basketball fans, the passion to have an access for live basketball action is in our DNA.”

“This is why we are elated to partner with NBA to bring the world’s premier basketball league to the comfort of the homes of every Filipino. This reinforces our commitment to bring amazing experiences through technology made simple by Smart,” dagdag pa ni Panlilio.

Tuloy-tuloy ang pag-a-upgrade ng Smart at PLDT ng kanilang serbisyo, at kamakailan lang ay naparangalan ang mga programa nila sa pagpapabilis ng koneksiyon ng subscribers. Ayon sa Ookla, isang kilalang internet test at analysis global research company, ang PLDT at wireless subsidiary na Smart ang nanguna sa Filipinas pagdating sa bilis ng internet connection.

Kinilala ng Ookla ang PLDT bilang number one sa Speedtest pagdating sa bilis ng fixed at wireless connection para sa unang anim na buwan ng taon, dahil sa speed score na 24.79, at may top download speeds na 70.54 Mbps and top upload speeds na 85.38 Mbps. Ang Smart naman ay may speed score na 18.33, at may average download speeds na 15.94 Mbps at average upload speeds na 7.57 Mbps.

Sinusukat ng Speedtest ang bilis sa pagitan ng gamit na device at test server gamit ang internet connection ng device. Maraming dahilan na makaaapekto sa natatalang bilis kabilang na ang uri ng mismong device (phones, tablets, PCs, etc.) na may iba-ibang kakayahan pagdating sa Wi-Fi at radio.

Isa ang Speedtest sa may pinakamaraming users pagdating sa pagsukat ng bilis ng internet. Ayon kay Ookla CEO na si Doug Suttles, “Over half a billion users rely on Speedtest to measure their internet performance every year. Ookla analyzes these test results to get an unparalleled view into mobile and fixed broadband metrics worldwide.”

“It is our pleasure to recognize Smart as the fastest mobile network and PLDT as the fastest fixed network in the Philippines based on our rigorous analysis. These awards are a testament to PLDT and Smart’s exceptional performance, as experienced by their own customers, in the first quarter and the second quarter,” pahayag pa ni Suttles.

Sa mga natitirang buwan ng 2020, hindi papatinag ang PLDT at Smart sa pagpapatuloy ng pagpapalawig ng network capacity nito, lalo na sa data internet transport. Sa aking personal na experience, talaga namang malaki ang improvement sa bilis ng mobile data ko at internet connection sa bahay, kaya mas napadadali  ang palitan ng komunikasyon at impormasyon  sa kabila ng pandemya.

Tunay na malaking tulong para sa mga katulad ko na basketball fans ang muling pagbubukas ng NBA at ang paghahatid nito sa publiko ng Cignal, PLDT at Smart. Inaabangan ko na ang NBA playoffs at Finals at karamay ko ang milyon-milyong Filipino. Mabuti na lamang at may mga programang tulad nito para maging enjoyable ang pananatili natin sa bahay bilang tugon sa mga mas pinaigting na regulasyon ngayong modified enhanced community quarantine.

Comments are closed.