NBA: NETS NAUNGUSAN NG HEAT

Heat vs Nets

ISANG step-back 14-foot jumper ni Bam Adebayo mula sa baseline sa buzzer ang naghatid sa Miami Heat sa 109-107 panalo sa  home laban sa Brooklyn Nets sa matchup ng shorthanded teams noong Linggo.

Tumapos si Adebayo na may 21 points, 15 rebounds at 5 assists upang tulungan ang  Heat na putulin ang three-game losing streak bagaman naglaro na wala si  Jimmy Butler na may prained right ankle.

Umiskor si Landry Shamet ng career-high 30 points at naisalpak ang pito sa 12 3-pointers upang pangunahan ang Nets, na nawala si Kevin Durant sa kaagahan ng laro dahil sa injury.

Naitala ni Durant ang unang walong puntos ng Nets bago lumabas sa laro, may 7:57 ang nalalabi sa first quarter, dahil sa  left thigh contusion. Bumangga ang kaliwang tuhod ni Durant kay Heat forward Trevor Ariza habang nagda-drive sa basket.

Nagbuhos si Goran Dragic ng 18 points, 8 rebounds at 7 assists at nakalikom si Dewayne Dedmon ng 10 points at 10 re-bounds mula sa bench ng Miami. Naitala ni Kendrick Nunn ang lima sa 16 triples ng Heat at tumapos na may 17 points habang gumawa si  Ariza ng 15 points at 9 rebounds. Umiskor si Duncan Robinson ng 11 points.

RAPTORS 112,

THUNDER

Naiposte ni Chris Boucher ang 17 sa kanyang 31 points sa  first quarter at kumalawit ng 11 rebounds nang gapiin ng  Toronto Raptors ang bisitang Oklahoma City Thunder, 112-106, sa Tampa.

Umiskor si Boucher ng 10 points sa huling tatlong minuto ng laro at nakopo ng Raptors ang ikatlong sunod na panalo habang pinalawig ang losing streak ng Thunder sa  10. Kumana si Boucher ng career-high six 3-pointers.

Nagdagdag si Gary Trent Jr. ng 23 points para sa Raptors, at kumabig sina Malachi Flynn ng 15, Stanley Johnson ng 12 at Yuta Watanabe at  Freddie Gillespie ng tig-10 points.

Naiposte ni Luguentz Dort ang 21 sa kanyang 29 points sa first quarter para sa Thunder. Nag-ambag sinaDarius Bazley ng 16 points, Kenrich Williams ng 12 at Isaiah Roby ng 11.

ROCKETS 114,

MAGIC 110

Naitala ni Christian Wood ang kanyang ika-17 double-double, nagdagdag si Kelly Olynyk ng 24 points at dalawang critical free throws, may  14.4 segundo ang nalalabi sa laro, at pinutol ng bisitang Houston Rockets ang five-game losing skid sa pamamagitan ng 114-110 panalo kontra Orlando Magic.

Tumapos si Wood na may 25 points at 10 rebounds upang pangunahan ang Rockets, natalo ng 10 sa 11 papasok sa laro.

Pinalobo ng kanyang 10-foot jumper, may 39.9 segundo sa orasan, ang kalamangan ng  Houston sa limang puntos ngunit hindi sumuko ang Magic, kung saan kumana si rookie guard Cole Anthony ng isang 3-pointer at isang driving layup na nagpanatili sa Magic sa kontensiyon. Gayunman ay sinelyuhan nina Olynyk at Avery Bradley ang panalo sa line.

Nagdagdag si Kevin Porter Jr. ng 22 points at 7 assists para sa Rockets bago na-foul out sa fourth quarter.

KINGS 121.

MAVERICKS 107

Nagbuhos si De’Aaron Fox ng team-high 30 points upang pangunahan ang Sacramento Kings sa 121-107 panalo laban sa host Dallas Mavericks upang putulin ang nine-game losing streak.

Kumamada si Fox ng double-double na may game-high 12 assists, gayundin si Hassan Whiteside na may 12 points at  eam-high 10 rebounds para sa Kings nanalo sa unang pagkakataon magmula noong  March 29 sa San Antonio.

Tumirada si Luka Doncic ng game-high 37 points para sa Mavericks.

Sa iba pang laro, pinadapa ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers, 129-117; namayani ang New York Knicks kontra New Orleans Pelicans, 122-112: ginapi ng Charlotte Hornets ang Portland Blazers, 109-101; at pinulbos ng  Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 124-105.

7 thoughts on “NBA: NETS NAUNGUSAN NG HEAT”

  1. Hey just wanted to give you a quick heads up. The words in your post seem to be running
    off the screen in Chrome. I’m not sure if this is
    a formatting issue or something to do with web browser compatibility but I thought I’d post to
    let you know. The style and design look
    great though! Hope you get the issue resolved soon. Cheers

  2. 5781 754683The urge to gamble is so universal and its practice so pleasurable, that I assume it ought to be evil. – Heywood Broun 873089

Comments are closed.