NCAA: ALTAS, CHIEF HUMIHINGA PA

Standings                            W    L

Letran                  7     0

San Beda                            6     1

Mapua                 6     2

CSB                       5     3

EAC                       3     5

SSC-R                    3     5

Perpetual                            3     5

Arellano                              3     5

LPU                       2     6

JRU                       1     7

 

Mga laro bukas:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – CSB vs San Beda

3 p.m. – SSC-R vs Letran

NANATILING buhay ang pag-asa ng University of Perpetual Help System Dalta na makapasok sa play-in stage kasunod ng 72-69 panalo kontra  Lyceum of the Philippines University sa NCAA men’s basketball tournament nitong Linggo sa La Salle Greenhills Gym.

Bumanat sina veterans Kim Aurin at Jielo Razon ng key lay-ups sa huling bahagi ng laro para sa Altas na naitala ang ikatlong panalo sa walong laro.

Nais lamang ni Aurin, tumapos na may 22 points at 5 rebounds, na mapalawig ang kanyang collegiate career at tulungan ang Perpetual na bumalik sa Final Four makaraang mabigo noong  2019.

“Ayaw naming sayangin ang opportunity na ito,” sabi ni Aurin. “Ang nagmo-motivate sa akin ‘yung pamilya ko tapos ‘yung players and coaches. Ayaw naming matalo talaga.”

Nakaiwas sa maagang bakasyon, umaasa ang Perpetual na malusutan ang final elimination match kontra Emilio Aguinaldo College sa Biyernes, na magbibigay kay coach Myk Saguiguit ng mahabang panahon mapaghandaan ang itinuturing niyang do-or-die game.

“Magandang pahinga then trabaho talaga. Malaking trabaho ang EAC. Hindi magpapatalo iyon kasi whoever wins, papasok sa play-in. Iyon ang stake,” sabi ni Saguiguit.

Ang play-in round, na kabibilangan ng third hanggang sixth teams matapos ang single-round eliminations, ang magdedetermina sa huling dalawang Final Four qualifiers.

Nagdagdag si Razon ng 14 points at 5 boards habang kumubra si Cris Pagaran ng 12 points at 7 rebounds para sa Altas.

Nagposte si Omar Larupay ng double-double na 17 points at 11 rebounds para sa LPU.

Sa ikalawang laro ay nalusutan ng Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 70-55, upang manatili sa kontensiyon para sa play-in stage.

Naitala ni Justin Arana ang kanyang ika-6 na double-double sa torneo na may 21 points at 18 rebounds na sinamahan ng 3 blocks at 3 assists para sa Chiefs.

Iskor:

Unang laro:

Perpetual (72) — Aurin 22, Razon 14, Pagaran 12, Barcuma 7, Cuevas 5, Martel 4, Egan 4, Movid 3, Boral 1, Abis 0, Omega 0, Sevilla 0.

LPU (69) — Larupay 17, Navarro 9, Guadaña 9, Remulla 9, Bravo 8, Valdez 6, Cunanan 4, Umali 4, Guinto 2, Barba 1, Garro 0.

QS: 23-22, 41-36, 55-52, 72-69

Ikalawang laro:

Arellano (70)  — Arana 21, Sablan 12, Sta. Ana 8, Doromal 8, Steinl 8, Concepcion 8, Oliva 3, Cruz 2, Caballero 0.

EAC (55) — Robin 13, Taywan 12, Maguliano 9, Cosejo 5, Liwag 5, Gurtiza 4, Cadua 3, Luciano 2, Ad. Doria 2, Cosa 0, Fuentes 0, Bunyi 0.

QS: 17-14, 44-30, 55-47, 70-55.