NCAA: ALTAS HUMABOL SA F4

Mga laro sa Linggo

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Letran vs Perpetual

3 p.m. – Mapua vs San Beda

NALUSUTAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang pagliban ni Kim Aurin upang pataubin ang College of Saint Benilde, 76-64, at kunin ang nalalabing Final Four berth saNCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

“Pagkagising ko, wala raw ‘yung Kim Aurin,” sabi ni first-year coach Myk Saguiguit patungkol sa kanyang prized forward, na may chickenpox. “Sabi ko maglaro tayo para kay Kim Aurin. Let’s give it to him. Nag-respond naman mga player natin.”

Pinunan ang pagkawala ni Aunin, naitala ni JP Boral ang lahat ng kanyang 11 points sa first half upang ilagay ang Altas sa trangko.

Nanguna si John Abis para sa Perpetual sa kinamadang14 points, nagdagdag si Jielo Razon ng 13 points, 11 rebounds at 3 assists, at umiskor din si captain Jeff Egan ng 13 markers na sinamahan ng 4 boards at 2 assists.

Matamis ang panalo para sa Altas, na nakaiwas sa pagkakasibak sa pagwawagi ng apat na sunod.

Makakaharap ng Perpetual ang defending champion Letran sa Final Four sa Linggo. Ang isa pang semis pairing ay sa pagitan ng No. 2 Mapua at No. 3 San Beda.

Tumapos si JC Cullar na may 18 points habang naitala ni Will Gozum ang kanyang ika-6 na double-double sa season na may 13 points at 13 boards para sa CSB.

Iskor:

Perpetual (76) — Abis 14, Razon 13, Egan 13, Pagaran 12, Boral 11, Omega 6, Martel 4, Cuevas 2, Sevilla 1, Barcuma 0.

CSB (64) — Cullar 18, Gozum 13, Flores 10, Nayve 8, Corteza 8, Lim 4, Lepalam 2, Marcos 1, Carlos 0, Sangco 0, Publico 0, Davis 0, Mosqueda 0.

QS: 21-14, 40-32, 59-47, 76-64.