NCAA: BLAZERS PINAHIGPIT ANG KAPIT SA LIDERATO

Standings W L
Benilde 8 2
San Beda 7 3
Mapua 7 3
Letran 6 5
EAC 5 5
LPU 5 5
Perpetual 5 6
JRU 3 7
Arellano 3 7
SSC-R 2 8

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – LPU vs San Beda
2:30 p.m. – EAC vs Mapua

NAKAULIT ang College of Saint Benilde kontra San Sebastian, 91-85. upang mapahigpit ang kapit sa top spot sa NCAA men’s basketball tournament kahapon.

Hindi naglaro si Tony Ynot dahil sa left ankle injury na kanyang tinamo sa naunang laro, subalit nalusutan ng Blazers ang kanyang pagliban nang gamitin ni coach Charles Tiu ang lahat ng kanyang roster.

“We wanted to give other guys a chance because Tony is not playing. It’s nice to reward them once in a while,” pahayag ni Tiu sa broadcaster GTV.

“So far, a lot of them were able to deliver. Thankfully. We are trying to give our guys some opportunities.”

Si Ian Torres ay isa sa reserves na kuminang para sa third placers ng nakaraang season, nag-ambag ng 13 points, 4 rebounds at assists.

Umangat ang Benilde sa league-best 8-2 card, sa ibabaw ng defending champion San Beda na may 7-3 kartada.

Nauna rito, lumapit ang University of Perpetual Help System Dalta ng isang laro sa Letran sa karera para sa huling Final Four slot sa pamamagitan ng wire-to-wire 71-61 win.

Pinutol ng Altas ang apat na sunod na talo, na nagsimula sa triple overtime loss sa Knights sa first round upang umangat sa 5-6.

Samantala, nalasap ng Letran ang ikalawang sunod na kabiguan upang mahulog sa 6-5.

Nanguna si Allen Liwag para sa Blazers na may 18 points at 6 rebounds habang nagdagdag si Matthew Oli ng 12 points.

Ang Stags ay natalo ng walong sunod matapos ang 2-0 simula.

Hindi nakatulong na na-eject si Jimboy Estrada sa huling 2:45 para sa disqualifying foul kung saan naghahabol ang Knights sa 52-65.

Nanguna si Christian Pagaran para sa Perpetual na may 19 points, 5 rebounds, at 2 assists.

Nakalikom si Estrada ng 14 points, 10 assists at 7 rebounds para sa Letran.

Iskor:
Unang laro:
Perpetual (71) – Pagaran 19, Gojo Cruz 15, Abis 8, Orgo 8, Pizarro 6, Boral 5, Manuel 4, Montemayor 3, Gelsano 2, Nuñez 1.

Letran (61) – Estrada 14, Montecillo 11, Santos 10, Cuajao 8, Monje 7, Javillonar 4, Delfino 3, Nunag 2, Go 2, Miller 0, Baliling 0, Tagotongan 0.

Quarterscores: 22-13, 41-31, 59-48, 71-61

Ikalawang laro
Benilde (91) – Liwag 18, Torres 13, Oli 12, Ancheta 9, Sanchez 9, Cometa 6, Sangco 5, Ondoa 5, Cajucom 3, Morales 2, Eusebio 0, Arciaga 0, Galas 0.

SSC-R (85) – Are 29, Gabat 21, Felebrico 12, Aguilar 6, Re. Gabat 6, Suico 5, Ricio 4, Escobido 2, Pascual 0, Barroga 0.

Quarterscores: 23-21, 42-38, 68-65, 91-85