NCAA: BOMBERS BINOMBA ANG BLAZERS

Standings              W    L

Letran                   4     0

San Beda              4     0

CSB         4     2

Mapua                  3     2

Perpetual              2     3

EAC         2     3

Arellano                2     3

SSC-R                     2     3

LPU         1     4

JRU          1     5

 

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – SSC-R vs EAC

3 p.m. – Mapua vs Perpetual

DINISPATSA ng Jose Rizal University ang College of Saint Benilde, 74-68, upang sa wakas ay makapasok sa win column sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Isang lay-up ni Marwin Dionisio ang nagbigay sa  Bombers ng 73-68 bentahe, may 38 segundo ang nalalabi.

“This is really big for us. Nakita namin na kaya pala naming tumapos. Sa mga past few games, ang talagang problema namin is finish. They showed character and they can finish every possession,” sabi ni coach Louie Gonzales makaraang putulin ng JRU ang five-game losing skid.

May 4-2 kartada, ang CSB ay may  one-and-a-half game sa likod ng joint leaders Letran at San Beda, na sa 4-0 ay tanging mga koponan na walang talo sa torneo.

Tumipa si JL Delos Santos ng double-double 19 points at 11 rebounds habang nagdagdag si Jason Celis, ang leading scorer ng JRU, ng17 markers, 4 boards at 2 assists.

Naitala ni Dionisio ang lahat ng kanyang siyam na puntos sa second half, kabilang ang pito sa payoff period at kumalawit ng 11 rebounds.

Nanguna si Will Gozum para sa Blazers sa kinamadang 17 points, 10 rebounds at 5 blocks bago maagang inilabas sa second half sanhi ng right foot injury.

Nagdagdag si AJ Benson ng 13 points, 4 rebounds at 2 assists habang kumubra si Robi Nayve ng12 points, 4 boards at 3  assists para sa Blazers.

Iskor:

JRU (74) — Delos Santos 19, Celis 17, Dionisio 9, Agbong 7, Bongay 7, Jungco 6, Arenal 5, Macatangay 4, Estrella 0, G. Gonzales 0.

CSB (68) — Gozum 17, Benson 13, Nayve 12, Corteza 10, Carlos 10, Marcos 3, Lepalam 2, Flores 1, Cullar 0, Sangco 0, Lim 0, Publico 0, Davis 0.

QS: 17-14, 33-30, 49-50, 74-68.