MAAGANG nagparamdam si Rhenz Abando sa NCAA nang pangunahan ang Colegio de San Juan de Letran Knights sa come from behind win laban sa De La Salle-College of Saint Benilde Blazers, 67-63, nitong Sabado sa pagbubukas ng Season 97 sa La Salle Greenhills gym.
Sumandal ang Knights sa 6-0 run sa huling bahagi ng laro upang maitarak ang unang panalo sa season, sa kabila ng late attempt ng Blazers, wala nang 10 segundo ang nalalabi. Isang split mula kay Fran Yu ang nagselyo sa panalo ng Intramuros-based squad.
Nagsalansan si Abando ng 19 points, 8 rebounds, 3 assists, at 4 blocks.
Nag-ambag si Season 95 Finals MVP Fran Yu ng 12 points para sa Letran habang tinulungan nina Louie Sangalang at Pao Javillonar ang Knights na makontrol ang boards na may 13 at 10 rebounds, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si AJ Benson para sa Blazers na may 16 points habang umiskor si Carlo Lim ng 10 points.
Iskor:
Letran (67) – Abando 19, Yu 12, Caralipio 8, Sangalang 7, Javillonar 7, Paraiso 4, Fajarito 4, Mina 3, Olivario 2, Ambohot 1, Reyson 0, Guarino 0.
Saint Benilde (63) – Benzon 16, Lim 10, Gozum 8, Nayve 6, Cullar 6, Corteza 4, Davis 2, Lepalam 2, Marcos 2, Sangco 0, Flores 0, Mosqueda 0.
QS: 10-16, 30-33, 49-55, 67-63.