NCAA: JRU BINOMBA ANG LETRAN SA OPENER

NCAA BASKETBALL

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – San Beda vs Arellano
4 p.m. – SSC-R vs Mapua

GINULANTANG ng Jose Rizal University ang Letran sa overtime, 85-79, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nanguna si Agem Miranda sa overtime, kung saan na-outscore niya ang buong Knights team, 7-6.

Tumapos si Miranda na may 17 points, 3 assists at 3 boards habang umiskor din si Marwin Dionisio ng 17 points at kumalawit ng 9 rebounds para sa JRU.

Nagtala si Kurt Reyson, ang bagong go-to guy ng Letran, ng 18 points, 6 rebounds at 4 assists habang nagdagdag si Kevin Santos ng 16 points, 9 rebounds at 2 steals.

Ang pagkatalo ay bumigo sa coaching debut ni Rensy Bajar para sa Knights, na umabante ng hanggang 11 points sa first half.

Iskor:
JRU (85) — Miranda 17, Dionisio 17, Argente 12, Sarmiento 10, Delos Santos 9, Guiab 8, De Leon 5, Ramos 4, Dela Rosa 3, Arenal 0, Pabico 0, Medina 0, Barrera 0, Sy 0.

Letran (79) — Reyson 18, Santos 16, Cuajao 12, Javillonar 12, Monje 11, Fajardo 4, Go 4, Ariar 2, Tolentino 0, Galvez 0, Guarino 0, Bataller 0.

Quarterscores: 16-24, 39-40, 54-56, 73-73, 85-79