NCAA: LETRAN LALAPIT SA ELIMS SWEEP

Standings                    W    L

Letran           7     0

San Beda                     6     1

Mapua          6     2

CSB                5     3

Perpetual                     3     5

SSC-R             3     5

Arellano                       3     5

EAC                3     5

LPU               2      6

JRU               1     7

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – CSB vs San Beda

3 p.m. – SSC-R vs Letran

SISIKAPIN ng defending champion Letran na makalapit sa nine-game elimination round sweep sa pagsagupa sa San Sebastian sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa La Salle Greenhills Gym.

Ang tanging undefeated team sa season sa 7-0, ang panalo ng Knights sa 3 p.m. clash sa Stags ay magpopormalisa sa pagpasok nila sa Final Four.

Galing sa 14-point loss sa Mapua, sisikapin ng San Beda na maibalik ang winning ways sa pagharap sa College of Saint Benilde sa larong may malaking implikasyon sa isa pang outright Final Four berth sa alas-12 ng tanghali.

Ang  Red Lions ay pumapangalawa na may 6-1 kartada, kalahating laro lamang ang angat sa Cardinals, na may 6-2 record sa ikatlong puwesto.

May 5-3 marka sa fourth spot, ang tsansa ng Blazers na awtomatikong makapasok sa Final Four ay wala na sa kanilang mga kamay.

Ang kabiguan ay maglalagay sa CSB sa play-in stage, na magdedetermina sa dalawang iba pang Final Four qualifiers.

Dahil sa paggamit ng ibang tournament format para sa shortened season na ito, walang  outright Finals berth para sa Letran kahit pa manalo sila sa kanilang huling dalawang laro, kabilang ang rivalry game kontra San Beda sa Biyernes.

Ang best incentive na makukuha ng Knights kapag nagtapos sila sa top two matapos ang eliminations ay twice-to-beat bonus sa Final Four, na nakatakda sa May 8 pagkatapos ng play-in stage.

Naputol ang six-game winning streak ng Lions nang yumuko sa Cardinals, 54-68, na naging dagok sa pagkakataon nilang makuha ang outright passage sa Final Four.

Hindi dapat matalo ang San Beda kung nais nitong mahigitan ang Mapua, na makakaharap ang Lyceum of the Philippines University sa Miyerkoles, sa agawan para sa coveted No. 2 ranking sa Final Four.

Ang San Sebastian ay nakaipit sa four-way tie sa fifth place sa 3-5 kasama ang University of Perpetual Help System Dalta, Arellano University at Emilio Aguinaldo College.