Standings W L
Letran 3 0
San Beda 2 0
Mapua 2 0
CSB 2 1
SSC-R 1 1
Arellano 1 2
EAC 1 2
Perpetual 1 2
JRU 0 2
LPU 0 3
Mga laro bukas:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – SSC-R vs Mapua
3 p.m. – EAC vs CSB
DINISPATSA ng defending champion Letran ang University of Perpetual Help System Dalta, 68-57, para manatiling walang talo sa NCAA men’s basketball tournament nitong Linggo sa La Salle Greenhills Gym.
Nagpasiklab si Rhenz Abando sa kinamadang NCAA career-high 24 points, 5 rebounds, 4 assists at 3 steals.
“Focus lang kami sa game,” wika ni Abando sa post-game interview sa GTV. “Laging sinasabi ni coach na ituring natin na championship every game, kasi hindi talaga kami makakabawi ‘pag natalo kami.”
Ang Letran ay naghahanda sa dalawang mabigat na laban kung saan makakaharap nito ang Intramuros neighbor Mapua sa Biyernes bago sagupain ang long-time rival San Beda sa rematch ng 2019 Finals sa April 12.
Tumipa sina Mark Sangalang at Allen Mina ng tig-10 points, habang kumalawit sina big men Christian Fajarito at Jeo Ambohot ng tig-11 rebounds para sa Knights.
Nagbuhos si Abando ng 10 points sa 26-point third quarter ng Letran para itarak ang 54-36 bentahe at hindi na lumingon pa.
Umangat ang Knights sa 3-0 marka habang nahulog ang Altas sa 1-2.
Nanguna si Jeff Egan para sa Perpetual na may 15 points habang nag-ambag si Kim Aurin ng 12 points at 6 rebounds.
Sa ikalawang laro ay muling nadominahan ng San Beda University Red Lions ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 67-53, para manatiling walang talo sa 3-0.
Iskor:
Unang laro:
Letran (68) — Abando 24, Sangalang 10, Mina 10, Caralipio 6, Fajarito 5, Ambohot 4, Paraiso 4, Yu 2, Olivario 2, Reyson 1, Guarino 0, Tolentino 0, Javillonar 0.
Perpetual (57) — Egan 15, Aurin 12, Omega 8, Nunez 6, Barcuma 5, Abis 4, Ferreras 4, Sevilla 2, Boral 1, Razon 0, Martel 0, Cuevas 0, Pagaran 0.
QS: 13-10, 28-23, 54-36, 68-57.
Ikalawang laro:
San Beda (67) – Kwekuteye 17, Penuela 11, Bahio 8, Cuntapay 8, Ynot 8, Amsali 5, Alfaro 4, Andrada 4, Abuda 2, Cometa 0, Gallego 0
Jose Rizal (53) – Dionisio 10, Delos Santos 9, Gonzales 8, Bongay 7, Celis 6, Macatangay 4, Agbong 3, Jungco 2, Arenal 2, Gonzales 2, Aguilar 0, Aguado 0, Guiab 0
QS: 13-16, 32-27, 47-44, 67-53