NCAA: LIONS SA FINAL 4

PINATAOB ng San Beda University Red Lions ang College of St. Benilde Blazers sa kanilang play-in matchup, 63-57, upang kunin ang ikatlong Final Four berth sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre.

Sa semifinals ay makakaharap ng third seed Red Lions ang second seed Mapua University Cardinals, na tangan ang twice-to-beat advantage sa kanilang duelo sa May 8.

Samantala, makakasagupa ng Blazers ang University of Perpetual Help System DALTA, na namayani laban sa Arellano University, 59-52,  sa ikalawang laro, sa play-in tussle para sa huling Final Four slot. Ang salpukan para sa ika-4 na semis berth ay gaganapin sa Miyerkoles.

Nanguna si James Kwekuteye para sa San Beda na may 17 points habang nagdagdag si young forward Yukien Andrada ng 11 markers sa kanilang krusyal na panalo.

Nadominahan ng Red Lions ang Blazers sa first half, 26-20, kung saan naitala ni Kwekuteye ang lahat ng kanyang 9 points sa unang 20 minuto ng aksiyon mula sa three-point area.

Mainit na sinimulan ng CSB ang third quarter sa pamamagitan ng 8-0 scoring blitz upang agawin ang kalamangan sa San Beda, 28-26.

Subalit hindi nagtagal ang paghawak ng Blazers sa bentahe makaraang bumanat si Andrada ng siyam sa kanyang total points sa mga sumunod na plays upang ibalik ang kalamangan sa Mendiola-based cagers.

Tangan ang komportableng 57-49 bentahe sa huling  1:31 ng laro, nagkaroon ng malaking dagok sa kampanya ng Bedans nang magtamo si Kwekuteye ng injury sa left ankle habang nakikipag-agawan sa bola kay CSB big man AJ Benson.

Sinabi ni San Beda team physician Michael Sunga na maaaring maglaro ang Filipino Canadian sa kanilang semis match kontra Mapua sa susunod na linggo.

Nanguna si Robi Nayve para sa CSB na may 10 points at nag-ambag si Joshua Marcos ng 9 markers at 8 boards.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (63) – Kwekuteye 17, Andrada 11, Ynot 8, Bahio 6, Penuela 5, Cuntapay, Sanchez 4, Amsali 4, Alfaro 3, Cortez 1, Abuda 0, Gallego 0, Jopia 0.

St. Benilde  (57) – Nayve 10, Marcos 9, Gozum 8, Lapalam 8, Carlos 6, Benson 6, Cullar 3, Lim 3, Flores 3, Sangco 1, Publico 0, Davis 0.

QS: 18-7, 26-20, 40-37, 63-57

Ikalawang laro:

Perpetual (59) – Aurin 16, Razon 10, Martel 10, Omega 8, Pagaran 7, Barcuma 6, Egan 2, Abis 0, Cuevas 0 Nunez 0, Sevilla 0.

Arellano (52) – Sta. Ana 12, Arana 9, Concepcion 8, Sablan 7, Cruz 5, Oliva 4, Caballero 2, Valencia 2, Doromal 2, Steinl 1, Carandang 0, Dela Cruz 0.

QS: 13-14, 25-24, 44-43, 59-52.