Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
10 a.m. – JRU vs Arellano
12 noon – SSC-R vs San Beda
2 p.m. – Perpetual vs Benilde
NALUSUTAN ng Lyceum of the Philippines University ang Emilio Aguinaldo College, 81-78, upang mabawi ang solo second sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Hindi nakapaglaro para sa Pirates si Enoch Valdez (illness), habang hindi natapos nina John Barba at JM Bravo ang laro dahil sa injuries.
Sa kabutihang-palad ay nagawang punan ng trio nina Jearlan Omandac, Renz Villegas at Alvin Peñafiel ang butas upang bitbitin ang LPU sa ika8 panalo sa 11 games, at patalsikin ang San Beda sa No. 2 spot.
Sa sumunod na laro ay hinigpitan ng Mapua ang kapit sa top spot sa 69-66 win laban sa defending champion Letran para sa 9-2 record.
Tumipa si Clint Escamis ng 21 points, subalit si Jopet Soriano ang kumamada ng pinakamalaking basket sa laro, isang lay-up off mula sa assist ni Warren Bonifacio na nagbigay sa Cardinals ng 67-66 bentahe sa huling 32 segundo.
Umaasa si Gilbert Malabanan na magiging malusog ang kanyang key Pirates sa kanilang pinakamalaking pagsubok sa second round.
Haharapin ng LPU ang league-leading Mapua sa Nov. 3, at mag-eensayo ang koponan kahit sa All Saints’ Day.
“It’s a good thing kung may break kami mahaba, lalo na may injury sa mga players, but we don’t stop laro namin November 3, babalik kami. We’re gonna practice on November 1 and November 2,” sabi ni Malabanan.
“It’s a sacrifice, but yung team namin kailangan namin mag-sacrifice,” dagdag pa niya.
Iskor:
Unang laro:
LPU (81) – Omandac 24, Villegas 13, Peñafiel 12, Umali 8, Cunanan 7, Barba 7, Fuentes 4, Bravo 2, Guadaña 2, Montaño 2, Aviles 0.
EAC (78) – Cosejo 23, Ochavo 21, Maguliano 13, Gurtiza 5, Tolentino 5, Quinal 5, Angeles 3, Doria 2, Umpad 1, Robin 0, Luciano 0, Loristo 0, Bacud 0.
QS: 26-20; 42-43; 60- 54; 81-78
Ikalawang laro:
Mapua (69) – Escamis 21, Soriano 14, Bonifacio 8, Hernandez 5, Cuenco 5, Recto 5, Rodillo 4, Dal- isay 3, Bancale 2, Fornis 2, Asuncion 0, Igliane 0.
Letran (66) – Reyson 17, Cuajao 12, Ariar 11, Jumao-as 10, Batallier 4, Bojorcelo 4, Monje 4, San- tos 2, Javillonar 2, Garupil 0, Go 0.
QS: 15-17; 31-38; 50; 54; 69-66.