Standings W L
San Beda 5 0
Letran 5 0
CSB 4 2
Mapua 4 2
EAC 3 3
Arellano 2 4
Perpetual 2 4
SSC-R 2 4
LPU 1 5
JRU 1 5
Mga laro bukas:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – CSB vs Mapua
3 p.m. – JRU vs SSC-R
NANATILING walang talo ang San Beda University Red Lions makaraang durugin ang Arellano University Chiefs, 82-68, sa NCAA men’s basketball tournament nitong Linggo sa La Salle Greenhills Gym.
Nagtala si James Kwekuteye ng 14 points at 4 rebounds, habang nagdagdag si Gab Cometa ng 11 markers upang hilahin ang kanilang malinis na marka sa 5-0.
Dikit ang laban ng dalawang koponan sa first quarter, subalit nakakuha ang Red Lions ng break makaraang maagang magtamo ng tatlong fouls si Chiefs versatile big man Justin Arana.
Isang 30-point explosion sa second quarter ang nagbigay sa San Beda ng double-digit lead, sa pangunguna ng pananalasa ni Cometa, na naitala ang lahat ng kanyang puntos sa first half.
Naiposte ng Red Lions ang kanilang pinakamalaking bentahe sa laro sa 22points sa third quarter, sa pangunguna nina Kwekuteye at Ralph Penuela.
“Our game plan is to really push the ball early. We thought that if we can run it or we can miss or make the basket or when Arellano make or miss the shot in the basket, we just push our primary offense and do our motion offense,” sabi ni San Beda head coach Boyet Fernandez sa post-game interview.
Sa ikalawang laro ay nalusutan ng Colegio de San Juan de Letran ang matikas na pakikihamok ng Lyceum of the Philippines University upang maitakas ang 80-77 panalo.
Nanguna si Rhenz Abando na may 14 points, habang nagdagdag si Jeo Ambohot ng double-double na 13 points, 13 rebounds, at 5 blocks habang nagsalansan si Fran Yu ng 9 points, 5 rebounds, at 7 assists para sa Knights.
Naipuwersa ng Letran ang two-way tie sa San Beda sa ibabaw ng standings na may magkatulad na 5-0 kartada, habang nahulog ang Pirates sa 1-5.
Unang laro:
Iskor:
San Beda (82) – Kwekuteye 14, Cometa 11, Penuela 9, Ynot 9, Bahio 8, Amsali 8, Sanchez 8, Cuntapay 6, Alfaro 4, Gallego 3, Visser 2, Villejo 0, Abuda 0, Andrada 0, Jopia 0.
Arellano (68) – Doromal 16, Sablan 10, Valencia 9, Cruz 8, Arana 7, Concepcion 7, Steinl 4, Sta. Ana 3, Abastillas 2, Caballero 2, Oliva 0.
QS: 17-15, 47-32, 66-52, 82-68
Ikalawang laro:
Letran (80) – Abando 14, Ambohot 13, Yu 9, Paraiso 9, Fajarito 7, Reyson 7, Mina 6, Olivario 5, Caralipio 5, Javillonar 5, Ariar 0.
Lyceum (77) – Barba 20, Larupay 19, Navarro 10, Valdez 9, Cunanan 6, Remulla 5, Garro 3, Guadana 2, Umali 2, Bravo 1, Guinto 0, Gaviola 0.
QS: 20-24, 39-46, 62-65, 80-77.