NCAA: SAN BEDA NANATILI SA SOLO SECOND

San Beda red lions

Standings W L
Mapua 8 1
San Beda 7 2
JRU 6 3
LPU 6 3
EAC 5 4
Benilde 5 4
Perpetual 3 6
SSC-R 3 6
Arellano 1 8
Letran 1 8

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – JRU vs LPU
4 p.m. – EAC vs SSC-R

NAKAGANTI ang College of Saint Benilde sa defending champion Letran, 68-55, sa Finals rematch ng nakaraang season upang matikas na tapusin ang kanilang first round campaign sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Napanatili ng San Beda ang kanilang 13-taong dominasyon kontra Emilio Aguinaldo College sa 86-72 panalo upang tumapos sa ikalawang puwesto sa likod ng Mapua sa first round na may 7-2 kartada.

“It’s a good win, ‘di ba? Itong past games namin. But we still have one more round. Matagal pa ito,” sabi ni Red Lions coach Yuri Escueta.

Matapos ang kanilang early season struggles, naitala ng Blazers ang first round record sa 5-4, kasalo ang Generals sa fifth at sixth places.

Nahulog naman ang Knights sa 1-8 record sa ilalim ng standings.

Nanguna si Migs Oczon para sa Benilde na may 15 points, 6 rebounds at 6 assists habang umiskor sina Miggy Corteza at Robi Nayve ng tig-12 points.

Nahila ng San Beda ang kanilang undefeated streak sa 26-0 kontra EAC, kung saan ang Generals ay hindi pa nananalo kontra Red Lions magmula nang lumahok sa liga noong 2009. Nagbuhos si Jacob Cortez ng 17 points at three assists, umiskor si Yukien Andrada ng 14 points habang kumamada si Clifford Jopia ng double-double 11 points at 11 rebounds para sa Red Lions.

Si Jomel Puno ang isa pang Red Lion sa double figures na may 11 points.

Iskor:
Unang laro:
San Beda (86) – Cortez 17, Andrada 14, Jopia 11, Puno 11, Cuntapay 8, Tagle 7, Payosing 7, Royo 4, Gonzales 3, Visser 2, Llanera 2, Gallego 0, Tagala 0, Lopez 0.

EAC (72) – Robin 22, Gurtiza 10, Cosejo 9, Ochavo 8, Tolentino 6, Maguliano 4, Angeles 4, Cosa 2, Quinal 2, Umpad 2, Dominguez 2, Bacud 1, Balowa 0, Luciano 0, Loristo 0.

QS: 24-20; 44-38; 72-52; 86-72

Ikalawang laro:
Benilde (68) – Oczon 15, Corteza 12, Nave 12, Carlos 8, Gozum 7, Sangco 5, Turco 4, Cajucom 3, Mara 2, Marasigan 1, Arciaga 0, Morales 0, Marcos 0, Jalalon 0.

Letran (55) – Cuajao 11, Ariar 9, Santos 9, Reyson 7, Javillonar 5, Monje 4, Fajardo 3, Guarino 3, Nunag 2, Go 2, Bojorcelo 0, Bautista 0.

QS: 18-11; 35-26; 60-40; 68-55.