Standings W L
LPU 6 0
JRU 4 1
Mapua 4 1
San Beda 3 2
EAC 2 2
Benilde 2 3
SSC-R 1 3
Perpetual 1 3
Arellano 1 4
Letran 0 5
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – JRU vs SSC-R
4 p.m. – Benilde vs Perpetual
SISIKAPIN ng Jose Rizal University na manatiling nakadikit sa undefeated Lyceum of the Philippines University, habang target ng College of Saint Benilde ang unang back-toback wins sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Martes sa Filoil EcoOil Centre.
Haharapin ng Bombers ang San Sebastian sa alas-2 ng hapon habang sasagupain ng Blazers ang University of Perpetual Help System Dalta sa alas-4 ng hapon. Ang Pirates ang tang- ing undefeated team sa season, na may 6-0 record, ang pinakamaganda nilang simula magmula nang simulan ang 2018 tournament sa 12-0.
Umaasa ang JRU, kasalukuyang tabla sa walang larong Mapua sa second spot na may 4-1 record, na manatil- ing nakadikit sa LPU dahil nagsisimula nang mag-init ang karera sa Final Four.
Sa kabila ng matikas na simula, nais ni coach Louie Gonzalez na hindi magkampante ang kanyang Bombers.
“We haven’t achieved anything yet. Siguro maganda lang record namin right now, pero alam naman nila ‘yung aim namin before the season even start- ed,” sabi ni Gonzalez.
May 2-3 kartada, determinado ang Benilde na makabawi matapos ang hin- di magandang simula sa season.
Bagama’t ang Blazers ang top of- fensive team, ang Season 98 runnersup ang third worst sa liga defensively.
Nahaharap sa pressure bilang isa sa title favorites? Ang Benilde ay naghihinay-hinay ngayon.
“We’re trying to pick things up and remind the guys that they’re probably pressuring themselves to try and win a championship,” sabi ni Blazers mentor Charles Tiu.
“I said just try to forget about the championship right now and focus on one game at a time and just enjoy,” dagdag pa niya.
Kailangan ng Stags at Altas, kapwa may 1-4 marka, na magsimulang magipon ng panalo upang manatili sa kontensiyon para sa Final Four