TAGUIG CITY – Nabahala si National Capital Police regional office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa isyu ng “flesh eating disease” na sinasabing ikinamatay ng isang preso sa Manila City Jail.
Ayon kay Eleazar, iniutos na niya para siyasatin ang sinapit ng inmate na si Gerry Baluran na detainee ng Manila Police District Station 9, na sinasabing may “necrotizing fasciitis” bago ilipat sa city jail.
Sinasabi ng mga dalubhasa na isa itong uri ng impeksiyon nagdudulot ng pagkaagnas ng balat at lagnat.
Ito umano ang sakit na taglay ng presong si Baluran bago ito nilipat sa city jail
Sa report na ibinahagi ni Sr. Insp. Jayrex Bustinera, hepe ng City Jail public information office sa PNP-NCRPO, may mga sugat na si Baluran bago pa ilipat ng detention dahil sa kasong illegal gambling.
Katunayan ay ihiniwalay pa raw nila ito ng kulungan dahil sa takot na makahawa.
Bukod kay Baluran, isang kapuwa transferred detainee rin ang nakitaan ng parehong mga sugat.
Nitong Linggo nang mamatay ang inmate sa Jose Reyes Medical Center matapos umanong mawalan ng malay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.