NECKLACE PURIFIER KONTRA VIRUS ‘DI INEENDORSO NG DOH

NECKLACE PURIFIER

HINDI ineendorso ng Department of of Health ang paggamit ng necklace air purifiers, na sinasabing maaring maging proteksiyon kontra coronavirus disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag ng DOH ay kanilang nilinaw na hindi  ineendorso ng kagawaran ang paggamit ng mga naglalabasang necklace air purifiers na ipinalabas ng ulat sa isang pahayagan.

Ayon sa DOH, bagamat hindi naman nakasasama sa kalusugan ang necklace air purifiers, hindi nila iniendorso o hinihikayat ang paggamit ng mga ito dahil hindi pa napapatunayan ang bisa ng mga ito laban sa virus o bacteria.

Hindi  aniya maaring gamiting pamalit ang necklace air purifiers sa pagsusuot ng face shield at mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing para makaiwasa sa nakakamatay na virus.

Payo ng DOH sa  publiko na sumunod sa mga bilin at abiso lang ng kagawaran, at ng World Health Organization at inirerespetong health institutions para sa mga totoong impormasyon.

Comments are closed.