QUEZON – PINAGBABARIL ang isang negosyante ng hindi nakilalang mga salarin sa harapan mismo ng kanyang tindahan sa may Dalahican Road Purok Capule, Brgy. Mayao Crossing, Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Jesus Estrecho,44-anyos, at residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng Lucena-PNP dakong alas-7:00 ng umaga habang umiinom ng kape ang negosyante sa harapan ng kanyang tindahan ng lambat nang dumating ang mga suspek at niratrat ito hanggang sa bawian ng buhay.
Aminado ang pulisya na blangko pa sila sa motibo ng pananambang. BONG RIVERA