NAKAPAGTAPOS man ng kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) si Jhonnalyn Pantaleon, hindi pa rin siya tumigil sa pag-aaral dahil sa hangad na madagdagan pa ang kanyang kaalaman. Kumuha siya ng Barista NC II sa Colegio de San Martin sa Bocaue Bulacan, isa sa mga training centers na may TESDA registered program.
Nakapagsanay siya nang libre sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA. Dahil dito, nalinang ang kanyang kakayahan at naging isang ganap na Barista. Maliban dito, may-ari na ngayon ng isang coffee cart si Jhonnalyn sa Tambubong, San Rafael Bulacan na pinangalanang SipMate.
Sa pamamagitan ng negosyong ito, nagkaroon siya ng pagkakakitaan ngayong pandemya.
Hindi na bago para kay Jhonnalyn ang paghawak ng negosyo dahil siya ay naging may-ari na rin ng isang milktea shop pero nagsara ito dahil sa pandemya. Ito ay isa ring naging dahilan para siya ay sumubok mag-aral sa TESDA.
“Huwag sayangin ang pagkakataon na matuto lalo na kung ito ay walang bayad, sapagkat ito ay magagamit natin, sa tamang paraan, upang mapaunlad ang ating sarili at kabuhayan,” payo pa ni Jhonnalyn sa mga kabataan.
Sa kasalukuyan, pinapalago pa ni Jhonnalyn ang kanyang negosyo katuwang ang kasosyong si Joemar Espiritu na naging kaklase niya sa pagkuha ng Barista NC II. Naniniwala siya na dahil sa kanyang mga natutunan sa TESDA, mapapaunlad niya rin ang kanilang kabuhayan.
470664 970854This weblog genuinely is good. How was it made ? 900338