NEGOSYO KAHIT NAKA-WORK FROM HOME, PWEDE!

quarantips

UNTI-UNTI na tayong ng nasasanay sa new normal o mahigpit na paggalaw sa labas ng bahay.

Lahat tayo ay nakadepende na lang sa online shopping at deliveries subalit hindi ito dahilan para huwag ituloy ang nais na magnegosyo lalo na’t limitado rin ang income sa paghahanapbuhay.

Bueno, ang PILIPINO Mirror ay nagsaliksik kung ano ba ang maaaring maging negosyo kahit naka-work from home, dahil hirap pa rin ang pagko-commute at ang mismong pinapasukan ay pilit pa ring bumabangon dahil sa epektong dulot ng COVID-19 pandemic.

Maliit lang din ang puhunan sa mga babanggitin kong negosyo at sigurado, kayang-kaya mo at malaki rin ang maitutulong sa iyo kahit pambayad ng koryente at iba pang bills.

  1. Magbenta ng frozen food. Bihira na siguro ang bahay na walang refrigerator at ikaw upang ma-maximize mo ang bill ng koryente, try mong magtinda ng frozen food. Ano ang mga ito? Puwedeng hotdog, ham, bacon, tocino, longganiza, tapa at maging siomai at kikiam.
  2. Gumawa ng ice candy at yelo na isang blockbuster kahit saan.
  3. Magbenta merienda. Dahil hindi na makakalayo para makabaili, doon pa lang sa compound o bloke ninyo, tiyak agad mauubos ang tindang sopas, pansit, spaghetti o kaya naman French fries, burger at maging samalamig.
  4. Habang work from home ka, puwede kang magbantay ng iyong mini sari-sari store. Mga basic needs sa bahay o kaya naman tinapay, tsitserya, kendi at sofdrinks.
  5. I-maximize ang iyong sari-sari store, mag-loading business ka na rin. Maliit ang kita dito pero tiyak na patok dahil isa nang necessity ang load na gamit sa pantawag, pagmensahe at pang-data para rin sa online business ng kapitbahay, distance learning ng mga estudyante at e-games ng kabataan.
  6. Billing payment. Patok ngayon ang dalawang apps na e-wallet kung saan puwedeng magbayad ng bills, puwedeng sa utility at personal payment at maging money transfer. Kaya gamitin ito.
  7. Baking business. Dahil matagal nan a-kuwarantina, marami sa atin ang hindi inaksaya ang panahon at kung ano-ano ang inaral sa pamamagitan ng online. At kung natuto kang mag-bake, aba samantalahin, gumawa ng cakes and pastries at ialok sa kapitbahay, kaibigan, kasama sa trabaho at kamag-anak.  Hindi problema ang delivery dahil puwede naman itong ipahatid, nakatulong ka na sa ibang naghahanapbuhay, may negosyo ka pa.
  8. Magbenta online. Mula cosmetics, sapatos, bag, pagkain puwede mong ibenta sa social media.

So, iyan po mga suki, simpleng negosyo na tiyak ninyong kagigiliwan dahil kikita na kayo, nae-enjoy pa kayo kahit naka-work from home.  Trust me. Totoo, iyan. Kasi proven and tested ko.

Muli tayong magkabahaginan ng Quaran-Tips sa susunod na Sabado!

Comments are closed.