NEGOSYO SA TAGAYTAY BALIK-OPS

TAGAYTAY

BALIK na ang ope­rasyon ng mga hotel at establisimiyento sa Tagaytay simula kahapon.

Gayunman, ang mga negosyo ay inatasang sumunod sa sanitary standards na itinakda ng lokal na pamahalaan.

“They should consider ‘yung cleanliness, ‘yung maayos na at presentable ang kanilang mga establishments,” wika ni Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) officer-in-charge Clyde Yayong.

Ayon sa Tagaytay government, ang hakbang ay upang tulungan ang mga empleyado ng lungsod, lalo na ang mga nasa tourism sector, na labis na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Gayunman, pinapayuhan pa rin ang mga bisita na limitahan ang kanilang biyahe sa harap ng patuloy na pag-aalboroto ng Taal.

“Kapag nag-alert le­vel 5, we will immediately tell these establishments to close. Still I’m telling, kung wala namang gagawing importante sa Tagay-tay ay manatili po muna sa kanilang lugar,” payo ni  Yayong.

Sa kabila ng reduced activity ng Taal, sinabi ng mga siyentipiko ng pamahalaan na kailangan pa nilang obserbahan ang downtrend bago magpasiya kung ibababa ang alert level sa bulkan.

Comments are closed.