NAPAHANGA ang netizens sa pagiging tunay na pagkakaibigan nina James Reid at Billy Crawford.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, nagbahagi si Billy ng appreciation post ilang oras matapos umere ang Lunch Out Loud.
Nakita kasi na handang tumulong si James sa oras ng kagipitan, sa ginawang prank call.
Ginawa ni Billy ang prank call kay James para sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud nitong Huwebes, November 5, 2020.
Isa si Billy sa hosts ng Lunch Out Loud, na nagsimulang umere noong Oktubre 19.
Nagpanggap si Billy na gipit siya financially kaya umuutang siya kay James ng malaking halaga.
Hindi naman nagdalawang-isip si James na saklolohan si Billy.
Naka-speaker phone habang kausap ni Billy si James sa stage ng Lunch Out Loud.
“Listen, James, I hate to do this to you, bro, sambit ni Billy kay James.
“I’m in a major major bind right now. I have a big problem. I’m really embarrassed, sorry, bro.
“I’m a bit stressed out and I’m in need of help. Since the whole pandemic thing started, we’re all trying to move on and do our thing.
“But the problem is, for the longest time, six, seven months, I haven’t made any money whatsoever, right?
“So, obviously, you know where this is going, bro. I’m about to lose my house.”
Walang prenong nagtanong si Billy kung pupuwede ba siyang pahiramin ni James ng limang milyon.
“I’m willing to help. No problem. I’ll get back to you. I just can’t leave where I’m at right now,” sabi ni James kay Billy.
Sinubukan rin ni Billy na manghiram ng kotse kay James.
Biro pa ni Billy, na sa sobrang gipit niya sa pera ay naibenta na raw niya ang kanyang kotse.
Walang pagdadalawang isip si James na ipagamit ang kotse niya kay Billy.
Kalaunan, kinulit ni Billy si James na kailangang-kailangan na niya ang pera nang mga oras na iyon.
“Okay, let me transfer you how much I have in my bank right now,” sagot ni James.
“Most of my money is in Australia, but I’m planning on bringing a lot of it back anyway, because of the way things are going here.
“So I’ll let you know, I’ll get back to you within the day.”
Tinanong din ni Billy si James kung may sama ng loob ito dahil sa panghihiram niya ng pera at kotse rito.
Sagot naman ni James, “No, not at all. I completely understand you. You have a kid.
“Yeah, I understand, man. I know that’s not easy. But I’m here for you, bro. I completely understand.”
Sa sobrang gustong tumulong ni James ay tinanong na nito kung paano maipadadala ang pera kay Billy nang ibunyag ng huli na prank call lang ang lahat para sa Lunch Out Loud.
“Billy… oh my God. That’s how much I love you, bro!” reaksiyon ni James. ANGELO B
Comments are closed.