NETS BINITBIT NI HARDEN VS PISTONS

nets vs pistons

NAGBUHOS si James Harden ng game highs na 44 points, 14 rebounds at 8 assists upang bitbitin ang Brooklyn Nets sa 113-111 panalo kontra  Detroit Pistons, habang pinutol ng Boston Celtics ang eight-game NBA win streak ng Milwaukee Bucks.

Lumiban si Harden nang matalo ang Nets noong Miyerkoles sa Utah dahil sa neck soreness subalit sa kanyang pagbabalik sa Detroit ay nagsalpak ng 14-of-30 mula sa floor, 4-of-11 3-pointers, at 12-of-14 free throws.

Ito ang highest-scoring performance ni Harden magmula nang umanib sa Nets mula sa Houston, at tinulungan ang Brooklyn na umangat sa 31-15.

“I feel like I am the MVP. It’s just that simple,” wika ni Harden. “Let’s leave it at that.”

Kinamada ni Harden ang 12 sa 15 points ng Brooklyn sa krusyal na stretch na nagtapos sa kaagahan ng fourth quarter at binura ang one-point deficit tungo sa 10-point lead ng Nets.

“I just try to go out there and give my teammates every single thing I can bring to the game,” ani Harden. “I just take what the defense gives me, just play the game the right way and try to be efficient.”

Sa pagkawala nina Kevin Durant at Kyrie Irving ay nagdoble kayod si Harden. Nag-ambag din si reserve Blake Griffin ng  17 points sa kanyang pagbabalik makaraang umalis sa Detroit para sa Nets.

Samantala, umiskor si  Jayson Tatum ng  34 points at nagdagdag si Marcus Smart ng 23 upang pangunahan ang Boston Celtics kontra host Milwaukee, 122-114, makaraaang matalo sa 10 sa kanilang naunang 11 road contests.

“We played with good purpose, good connectivity,” wika ni Celtics coach Brad Stevens. “I thought everybody that played gave us a good lift.”

Bumagsak ang Milwaukee sa 29-15, isang laro sa likod ng Brooklyn sa third sa Eastern Conference, habang umangat ang Boston sa 22-23.

Tumipa si Khris Middleton ng 19 points at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 16 bagama’t hindi ipinasok sa fourth quarter.

“They were excellent and we didn’t play our best. We weren’t as good as them tonight,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer. “We didn’t play good enough.”

Sa iba pang laro ay naungusan ng Phoenix Suns ang Toronto Raptors, 104-100; pinabagsak ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets, 107-101;  hiniya ng Atlanta Hawks ang  Golden State Warriors, 124-108, at namayani ang LeBron James-less Lakers kontra Cleveland Cavaliers, 100-86.

One thought on “NETS BINITBIT NI HARDEN VS PISTONS”

Comments are closed.