NETS NILAMBAT ANG BULLS

UMISKOR si Spencer Dinwiddie ng 24 points at kumana ang host Brooklyn Nets ng NBA season-high 25 3-pointers upang pataubin ang Chicago Bulls, 118-109, noong Linggo ng gabi.

Isinuko ng Nets ang unang 13 points ng laro at naghabol sa 30-9, may 4:37 ang nalalabi sa first quarter. Na-outscore ng Brooklyn ang  Bulls, 109-79, at 99-73  sa huling tatlong quarters.

Tumapos ang Brooklyn na kulang ng dalawa sa team record na naitala noong Feb. 15, 2021, sa Sacramento at nagtala ng record para sa 3s sa isang home game. Ang Nets ay tumapos din na kapos ng apat sa NBA record na naitala ng Milwaukee noong Dec. 29, 2020.

Nagdagdag sina Royce O’Neale at Lonnie Walker IV ng tig- 20 points. Ang dalawa ay nagtuwang na bumuslo ng  12-of-20 mula sa 3-point range at naipasok ng Nets ang 20 sa kanilang 3s matapos ang opening quarter.

Nag-ambag si Mikael Bridges ng 15 points, kabilang ang basket na nagbigay sa   Nets ng kalamangan sa  44-41, may 5 1/2 minuto ang nalalabi sa second quarter. Nagdagdag si Trendon Watford ng 11 at kumabig si Cameron Johnson ng 10 points bago inilabas dahil sa cramps.

Nanguna si DeMar DeRozan sa lahat ng scorers na may 27 subalit nalasap ng Bulls ang kanilang ika-4 na sunod na kabiguan at ika-7 sa walong laro.

Tumipa si Coby White ng  23 points habang nakakolekta sina Patrick Williams at  Zach LaVine ng tig- 20 para sa Bulls na naitala ang 13 sa kanilang unang  21 shots at walong 3s sa opening quarter at tumapos sa 48.2 percent overall.

Suns 116,

Knicks 113

Isinalpak ni Devin Booker ang tie-breaking 3-pointer, may 1.7 segundo ang nalalabi, para sa bisitang  Phoenix Suns, na nasayang ang 15-point lead bago naungusan ang  New York Knicks.

Umiskor si Booker ng  21 points sa second half at tumapos na may double-double (28 points, 11 assists) para sa Suns, na nanalo ng pitong sunod, kabilang ang huling dalawang laro na wala si Kevin Durant.  Ang 13-time All-Star ay nag-warm up muna bago hindi naglaro sa ikalawang sunod na game dahil sa  sore right foot.

Gumawa si Gordon ng 25 points habang nagposte sina  Goodwin (14) at Nassir Little (11) ng double figures mula sa  bench.

Celtics 113,

Hawks 103

Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at 9 rebounds upang tulungan ang  Boston Celtics na iangat ang kanilang home record sa 7-0 sa pagdispatsa sa bisitang Atlanta Hawks.

Hindi umiskor si Tatum sa third quarter bago nagpakawala ng 13 points sa fourth. Lumamang ang Celtics ng hindi bababa sa 8 points sa buong final 12 minutes.

Kumalawit si Al Horford ng 15 rebounds para sa Boston, na nakakuha ng 15 points at 11 assists mula kay Derrick White. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 21 points, at humugot si Neemias Queta ng 10 rebounds.

Kinailangan ng Celtics na malusutan ang 33-point effort mula kay Trae Young, na nagtala rin ng 5  rebounds at 7  assists. Nag-ambag si Atlanta’s De’Andre Hunter ng 24 points, at tumapos si Bogdan Bogdanovic na may 23. Naipasok ni Bogdanovic ang 7 sa kanyang 10 3-point attempts.

Ang 103 points ang pinaka-kaunti na naitala ng  Hawks sa isang laro ngayong  season.