NAITALA ni Kevin Durant ang 15 sa kanyang 32 points sa third quarter nang umalagwa ang Brooklyn Nets at lumayo para sa 117-108 panalo kontra Atlanta Hawks, Miyerkoles ng gabi sa New York.
Nakakolekta rin si Durant ng 7 rebounds at 5 assists. Nasundan ni teammate James Harden ang kanyang unang triple-double sa season na may 16 points at 11 mula sa 34 assists ng Brooklyn.
Naisalpak ni Joe Harris ang anim na 3-pointers at nagdagdag ng 18 points upang tulungan ang Nets na tapusin ang six-game road trip na may three-game winning streak.
Kumana si DeAndre Hunter ng career-high six 3-pointers at umiskor ng 26 points, subalit natalo ang Atlanta sa ika-11 pagkakataon sa nakalipas na 13 meetings laban sa Nets. Nagtala si Trae Young ng 11 points sa opening quarter at tumapos na may 21 at 10 assists sa 6-of-22 shooting mula sa floor.
76ERS 103,
BULLS 98
Tumipa si Seth Curry ng 22 points habang nagdagdag si Joel Embiid ng 18 points, 9 rebounds at 7 assists nang gulantangin ng host Philadelphia ang Chicago.
Nag-ambag din si Georges Niang ng 18 points, gumawa si Tyrese Maxey ng 14 at umiskor si Furkan Korkmaz ng 11 para sa Sixers, na nanalo ng apat na sunod.
Nanguna si DeMar DeRozan para sa Bulls na may 37 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Zach LaVine ng 27. Kumabig si Lonzo Ball ng 13 para sa Bulls, na nanalo ng anim sa kanilang unang pitong laro bago ang game.
RAPTORS 109,
WIZARDS 100
Nagbuhos si Fred VanVleet ng season-best 33 points at nagdagdag ng anim na assists nang pataubin ng Toronto ang Washington.
Kumamada si OG Anunoby ng 21 points at 5 rebounds para sa Raptors, na nanalo ng limang sunod at apat na sunod sa road. Nagdagdag sina Svi Mykhailiuk at Gary Trent Jr. ng tig-15 points para sa Raptors.
Umiskor si Bradley Beal ng 25 points at kumalawit ng pitong rebounds at nagbigay ng pitong assists para sa Wizards, na natalo ng dalawang sunod. Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 15 points at 10 rebounds para sa Washington.
WARRIORS 114,
HORNETS 92
Kumana si Jordan Poole ng season-best 31 points upang pangunahan ang Golden State kontra Charlotte.
Nag-ambag si Gary Payton II mula sa bench ng 14 points at 3 steals sa ika-6 na panalo ng Warriors sa pitong laro. Tumabo sina Stephen Curry at Damion Lee ng tig-15 points.
Nagbuhos si Miles Bridges ng game-high 32 points at umiskor si Gordon Hayward ng 23 para sa Hornets, na natalo sa magkasunod na laro sa unang pagkakataon ngayong season.
Sa iba pang resulta: Grizzlies 108, Nuggets 106; Mavericks 109, Spurs 108; Clippers 126, Timberwolves 115; Pacers 111, Knicks 98; Cavaliers 107, Trail Blazers 104; Celtics 92, Magic 79; Kings 112, Pelicans 99.