IPINAKILALA sa media ang TEAM o Tyronne Escalante Artist Management na pinamamahalaan ng talent manager na si Tyrone James Escalante. Pinakamalaking artista niya si Jane De Leon na napiling gaganap na Darna ng ABS-CBN at Star Cinema.
Sabi ni Tyronne; “Perfect timing ang launching ng TEAM ngayong taon dahil this year din bumuhos ang blessings sa amin ng mga talents ko. Una na kay Jane na nakuha ang napakalaking break bilang bagong Darna. Sabi nga ng mga taga-Star Cinema, “nasundot ko ang jackpot” nung si Jane ang napili nila sa dame ng mga nag-audition sa Darna.
“Siyempre andyan din si Lexie Gonzales na 1st Starstruck Princess 2019, Kelvin Miranda na kasama sa first-ever Netflix film in the Philippines na “Dead Kids” directed by award-winning director Mikhail Red kung saan kasama din ang isa ko pang talent na si Vance Larena.”
Nagpasalamat din si Tyronne kay Jane dahil sa loyalty nito. “Nung natapos na ang contract niya sa akin, feeling ko magpapaalam na siya sa akin at lilipat na ng ibang manager. Pero nagulat ako sa sinabi niya na hinding-hindi niya ako iiwan. Marami kaming pinagdaanan at pinagsamahan ni Jane at pareho kaming nangangarap na one day, darating din ang suwerte namin.”, kuwento pa ni Tyronne.
Sinagot naman siya ni Jane; “Iyan si kuya Ty, parang Tatay ko na iyan. Kapatid, kaibigan at kapamilya. Sinabi ko talaga na sabay naming makukuha ang suwerte sa tamang panahon at sinabi ko rin na hinding-hindi ko siya iiwan hanggang sa huli. Kumbaga, magtutulungan kaming mga talents niya na siya naman ang umangat.”
Nag-share rin si Jane tungkol sa paghahanda niya as Darna.
“Nag-start na po ako para sa mga stunts. Mahirap po siya pero kinakaya ko naman. Nagkita na rin po kami ni ate Marian Rivera sa isang event. Tinanong niya po ako sa mga stunts na ginagawa ko. Looking forward rin po ako na ma-meet ko rin si ate Angel Locsin. Nakapanood na rin po ako ng ibang artista na gumanap bilang Darna.”
Dagdag ni Tyronne, may mga malalaking project na para sa ibang alaga niya pero hindi pa puwedeng sabihin. Ilan sa talents niya ay sina Isip Ferrer at si Direk Monti Parungao. Naging talent rin niya si Akihiro Blanco na may iba ng manager ngayon pati na rin sina Regine Angeles, Janna Dominguez at Mara Alberto.
DIREK MONTI NAMAMAYAGPAG
WE’RE happy at muli naming nakita si Direk Monti na matagal na naming kaibigan. Mabait, masayahin, matalino at mahusay na direktor si Direk Monti. Si Direk Monti ang direktor ng “Survivor Philippines”(2008-2010), “Boracay Bodies”(2013).
He also directed ‘Sagwan” (2009), “Kape “Bayaw” (2009), “Kape Barako” (2010) “Santuaryo” (2010) at “Pulupot” (2010). Ngayon ay nasa kuwadra na rin ng TEAM si Direk Monti na siyang mangangalaga sa kanya.
Naka-line-up na ang mga pelikulang gagawin niya next year under Reality Entertainment. Actually, by January ay magsisimula na siya ng isang Alice Dixson starrer na isang sexy-drama-romance na may pamagat na “I Come.First” kung saan first time na gaganap ang aktres bilang isang fashion designer na may kakaibang twist sa pagkatao niya.
Si Direk Monti ang direktor ng “Starstruck “(2019), “Dear Uge ” at ng ” Madrasta” starring Juancho Trivino , Arra San Agustin at Thea Tolentino.
Comments are closed.