Laking pasasalamat ni Ryza Cenon na naisipan niyang magpakalbo last summer, dahil kung hindi, siguradong lagas na rin umano ang kanyang buhok sa dami ng kunsumisyon at stress na ibinibigay sa kanya ngayon ng supposedly “new house” niya.
Aniya, sa dami ng sablay sa bahay, mas mukha pa itong renovated house kesa new house.
Napakarami umanong crack sa dingding at sa sahig, gayong wala pa itong dalawang taon. Minsan nga raw, sa dami ng aayusin, kailangan pa nilang mag-check in sa hotel pansamantala. Ni hindi raw sila makabili ng maayos na furnitures at appliances dahil labas-masok sila sa bahay.
In fairness, ginagawan daw naman ng paraan ng contractor ang mga problema, ngunit syempre, bilang homeowners, gusto na nilang tirahan ang bahay nila — hindi yung kailangan nilang mag-evacuate from time to time.
Payo ni Ryza sa mga kapwa artistang magpapagawa ng bahay, pumili ng maayos na contractor.