TINATAYANG nasa 200 hektarya ang nagagawa sa land development para sa itinatayong New Manila International Airport (NMIA) sa baybayin ng Bulakan, Bulacan.
Sa isang pulong sinabi ni Gobernor Daniel Fernando kay CEO Ramon Ang, ng San Miguel Corporation (SMC) na konsesyonaryo ng proyekto.
Nabatid na hindi natigil ang paggawa sa nakalipas na dalawang taon sa kabila ng pagtama ng pandemya, kung saan bahagi ito ng nasa 2,500 ektarya na aviation complex ng NMIA.
Matatandaang 2019 nang pagkalooban ng konsesyon ng Department of Transportation (DOTr) ang SMC para mamuhunan sa pagdisenyo, pagtatayo at operasyon ng magiging pinakamalaking paliparan ng bansa na nagkakahalaga ng P740 bilyon.
Habang sa panig ng Kongreso ipinagkaloob dito ang 50 taong prangkisa sa operasyon. THONY ARCENAL