LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 6864 o mas kilalang better normal for workplace, communities and public spaces act of 2020.
Sa ilalim ng naturang panukala, oobligahin na ang publiko na hangga’t may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maging bahagi na ng kanilang buhay sa mga susunod na taon ang pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing at temperature checks tuwing nasa pampublikong lugar.
Gayundin sa mga pampublikong pagtitipon, pagsakay sa mga pampublikong transportasyon, maging sa paaralan at trabaho.
Oras na maka-adapt na sa new normal ang publiko ay posible nang maibalik sa normal na operasyon ang maraming negosyo.
Samantala, oras naman na maging ganap na itong batas ang sinomang lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang dalawang buwan o pagmumultahin ng P1,000 hanggang P50,000 depende sa alituntunin na nilabag.
Sususpindehin naman ang mga lisensiya ng mga establisimyento na hindi susunod sa new normal habang ang mga opisyal naman ng gobyerno at empleyado na lalabag ay mahaharap sa mas mahigpit na parusa kung saan posibleng makulong ng anim na buwan at pagmultahin ng P50,000 hanggang P100,000.
Comments are closed.