(Ngayong Abril) DAGDAG-SINGIL SA KORYENTE

MERALCO 2

INANUNSIYO ng  Manila Electric Co. (Meralco) ang taas-singil sa koryente ngayong Abril. Ito na ang ikalawang sunod na buwan na may pagtaas sa electricity rate.

Ayon sa  Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay tumaas ng 53.63 cents sa P10.1830 per kilowatt-hour (/kWh) mula sa P9.6467/kWh recorded in March.

Katumbas ito ng P107 pagtaas sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) per month. Ayon sa Meralco, ang generation charge, na may pinakamalaking share sa total charges, ay tumaas ng P0.3987/kWh sa P5.8724/kWh.

Ang April rate adjustment ang pinakamataas sa kasalukuyan ngayong taon dahil ang konsumo ay tumataas din dahil sa mainit na panahon.

Samantala, sinabi ni Jose Ronald Valles, Meralco head of regulatory management office, na maaari pang tumaas ang generation charge sa mga susunod na buwan. “On top of the deferred generation charges, the impact of the quarterly repricing of the Malampaya natural gas for the April supply will be reflected in the generation charge in May,” aniya. Inanunsiyo ng Meralco ang bahagyang pagtaas ng P0.0071/kWh sa transmission charge para sa residential customers at P0.1305/kWh sa taxes at iba pang charges dahil sa mas mataas na generation costs.