MAY kaunting dagdag sa singil sa koryente ngayong buwan dahil sa pagtaas ng generation charge at ng halaga ng koryente na nagmumula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na nagtaas ng singil ang Meralco.
Ayon sa Meralco, ang household rate ay tataas ng P0.0798 per kilowatt-hour (/kWh) upang sumampa ang overall rate para sa buwan sa P8.6718/kWh mula P8.5920/kWh noong Mayo.
Katumbas ito ng P16 na dagdag sa total monthly bill ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.
Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na ang overall rate sa Hunyo ay mas mababa pa rin sa rate noong nakaraang taon ng P0.0534 per kWh.
“This is also the lowest rate for June since 2018,” ayon sa Meralco.
Sinabi ng distribution utility na ang pagtaas ngayong buwan ay pinahinahon ng patuloy na pagpapatupad ng Distribution Rate True-Up re-fund, na nagsimula noong Marso 2021.
Magugunitang pansamantalang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukala ng Meralco na isauli ang P13.9 billion sa loob ng 24 buwan o hanggang ma-refund ang buong halaga.
Ang refund ay para sa pagkakaiba sa pagitan ng Actual Weighted Average Tariff at ng ERC-approved Interim Average Rate para sa distribution-related charges mula Hulyo 2015 hanggang Noyembre 2020.
Para sa residential customers, ang refund rate ay P0.2761/kWh at makikita sa customer bills bilang line item na tinawag na “Dist True-Up.”
Ayon pa sa Meralco, ang generation charge ngayong buwan ay tumaas sa P4.6171/kWh mula sa P4.5474/kWh noong Mayo.
215912 354846Keep up the good paintings! 39206
494694 999147Private Krankenversicherung – Nur dann, wenn Sie sich fr die Absicherung ber die Rentenversicherung entschieden haben, dann knnen Sie sich sicher sein, dass Sie im Alter so viel Geld haben, damit Sie Ihren Lebensstandard halten knnen. 742523
402496 26587There a few fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There may possibly be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Excellent write-up , thanks and then we want a lot much more! Put into FeedBurner too 455049