(Ngayong linggo P2.45/L) OIL PRICE ROLLBAK

rollback

NAKAAMBA na naman ang big time rollback sa langis ngayong linggo.

Ayon sa Energy sources, posibleng nasa dalawang piso at bente singko (P2.25) hanggang dalawang piso at kuwarenta’y singko sentimos (P2.45) ang tapyas sa kada litro ng gasolina habang piso at sisenta sentimos (P1.60) hanggang dalawang piso (P2.00) naman ang bawas sa diesel.

Ang pinal na halaga ng rollback ay depende sa resulta ng trading.

Kung sakali, ito na ang ikalimang sunod na linggong nagpatupad ang bawas presyo sa petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Comments are closed.