MULING bababa ang singil sa koryente ngayong Pebrero.
Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.1185 per kilowatt-hour (kWh) na reduction upang ang overall rate para sa Pebrero ay bumaba sa P9.5842/kWh mula P9.7027/kWh noong Enero.
Katumbas ito ng P24 pagbaba sa monthly bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh.
Ang mas mababang rate sa Pebrero ay sa likod ng pagbaba ng generation charges ng P0.2305/kWh sa P5.1957/kWh mula P5.4262 noong nakaraang buwan dahil sa mas mababang singil mula sa Independent Power Producers (IPPs) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na napagaan ang pagtaas ng rate mula sa Power Supply Agreements (PSAs).
Ayon sa Meralco, ang singil mula sa IPPs ay bumaba ng P0.3395 per kWh sanhi ng mas mataas na plant dispatch ng Quezon Power at First Gas – Sta. Rita.
Gayundin ay bumaba ang WESM charges ng 3.1277/kWh dahil sa malaking pagbaba sa WESM purchases ng Meralco, na pinagaan ang epekto ng mas mataas na spot market prices sa January supply month.