CAMP CRAME- AABOT sa 8,000 pulis ang nakakalat ngayon sa buong Metro Manila na nagsimula kaninang madaling araw kung kailan epektibo ang 14-day modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac mamanduhan ng mga pulis ang ang mga quarantine checkpoint, partikular ang mga provincial boundaries para matiyak na wala sa lansangan ang mga hindi awtorisadong bumiyahe alinsunod sa itinatakda ng MECQ.
Sinabi pa ni Banac babantayan din ng mga pulis ang Northern Luzon Expressway (NLEX) at Southern Luzon Expressway (SLEX) para magpatupad ng quarantine checkpoints, kaya aasahan aniya ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan.
Nagpapaalala naman ang PNP sa mga frontliner na mas maging mai-ngat sa mga panahong ito para makaiwas sa pagkahawa ng coronaviurse disease (COVID -19).
Una nang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na itatayo ang mas mara-ming checkpoints ang mga lugar na isinailalim sa MECQ habang kaniya ring inalerto ang mga chief of police. REA SARMIENTO
Comments are closed.