NGCP ‘DI NAGKULANG SA PAGSUSUPLAY NG KORYENTE

HINDI nagkulang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanilang mandato magmula sa transmission ng koryente at  sa mga producer patungo sa mga grid-connection sa bansa. 

Ayon sa pahayag ng NGCP, bilang isang transmission service provider ay maaari lamang silang magbigay ng overview ukol sa  kasalukuyang supply at demand ng sitwasyon at tiyakin  na maipagkakaloob ang lahat ng posibleng suplay ng koryente.

“We reiterate our earlier pronouncements that there was no transmission disturbance before the tripping of the PEDC Unit 1 (83MW) at 12:06PM. After this event, NGCP was able to recover the transmission system and normalize voltage. This normal voltage situation persisted until several power plants inexplicably tripped at 2:19PM. Data from our system shows no abnormality in voltage and system stability,” pahayag ng NGCP.

Sinabi ng NGCP na sa gitna ng mga pagbatikos at paninisi sa kanila, ang katotohanan umano ay ang problema ay ang ‘unplanned’ shutdowns ng power generators.

“It is alarming to hear policymakers immediately make conclusions based on assumptions contrary to fact. We are firm in our position that the system prior to the 2:19PM multiple tripping was normal, and our actions were undertaken within protocols. Any contrary statement is speculative,” giit ng NGCP.

Pinabulaanan din ng NGCP ang akusasyon na nabigo sila sa kanilang obligasyon na mapanatiling maayos ang transmission system.

Itinanggi din nito na hindi sila transparent sa publiko sa pagbibigay ng impormasyon.

Binigyang-diin ng NGCP na regular silang nagbibigay ng impormasyon sa kanilang stakeholders, kabilang na ang media at  local government units (LGUs) sa pamamagitan ng print, radio, broadcast, social media at text blasts.

Hiniling ng NGCP sa  mga mambabatas na imbes na manisi at gamitin pa ang ilang sektor, mabuti pang maging patas ito sa paghahanap at pag-alam ng katotohanan ukol sa insidente.

“This is not a time to push personal or political agendas, but a time for honest-to-goodness solution finding. We again reiterate our push for a comprehensive industry-wide approach to resolve the persistent power supply issues on Panay Island and elsewhere in the country,” dagdag ng NGCP.

Kaugnay nito, tiniyak ng NGCP sa lahat ng kanilang stakeholders na agaran silang makikipagtulungan sa  pamahalaan at LGUs upang mabilis na masolusyunan ang problemang kanilang kinahaharap.

VICKY CERVALES