NIGHT DIFFERENTIAL SA STATE WORKERS SUPORTADO NG CSC

CSC-2

SINUPORTAHAN ng Civil Service Commission (CSC) ang panukalang batas na nagkakaloob ng karagdagang bayad sa mga empleyado ng pamahalaan na nagtatrabaho na lagpas sa kanilang regular office hours.

Inaprubahan ng Senado noong Lunes sa third at final reading ang panukala na nagtatakda sa night differential pay ng mga kawani ng gobyerno sa hanggang  20 percent ng kanilang hourly rate mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

“The additional pay will compensate the sleep lost by night shift workers like anti-narcotics agents and Customs and Immigration personnel,” wika ni CSC Commissioner Aileen Lizada.

“Maganda po ang panukalang ito (this proposal is good) and I hope it will push through in both houses,” aniya sa pa-nayam sa radyo.

Comments are closed.