MALOLOS CITY – MAKARAAN ang apat na taong pagtatago, naaresto ang no. 1 most wanted person (MWP) ng Bulacan at tatlong tulak ng bawal na gamot sa operasyon ng pulisya noong Hunyo 20.
Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), nadakip ng Bulacan Provincial Intelligence Branch (PIB) si Jackiery Perete, 39-anyos, security guard, at residente ng Bulacan Intercity Industrial Estate, Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan.
Nadakip si Perete sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Malibo, Pandi, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Sita Jose Clemente sa kasong rape ng Bulacan Regional Trial Court Branch 16 noong Hunyo 16, 2015.
Naaresto naman sa pagbebenta ng bawal na gamot sina Joselito Gallano, 34; Raul Garcia, 34, kapwa ng Bocaue, Bulacan; at Crisanto Villanueva, 45, ng San Rafael, Bulacan na nahulihan ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money sa anti-drugs operations. A. BORLONGAN
Comments are closed.