Standings W L
*DLSU 12 1
*NU 9 3
*UST 9 3
*AdU 9 4
FEU 6 7
Ateneo 4 9
UP 1 11
UE 0 12
*Final Four
Mga laro sa Miyerkoles:
(Filoil EcoOil Centre)
9 a.m. – UST vs NU (Men)
11 a.m. – UST vs NU (Women)
3 p.m. – UP vs UE (Women)
5 p.m. – UP vs UE (Men)
WINALIS ng La Salle ang Ateneo, 25-22, 25-19, 25-18, upang kunin ang No. 1 ranking sa Final Four ng UAAP women’s volleyball tournament sa harap ng 5,888 fans kahapon sa Mall of Asia Arena.
Naiyak sa tuwa si Shevana Laput, kasama ang kanyang kapatid na si dating Green Archer James, makaraang pangunahan ang Lady Spikers sa kanilang ika-12 panalo sa 13 laro.
Ang 6-foot-2 na si Laput ay nagtala ng 15-of-25 attacks upang tumapos na may 16 points sa kanyang pinakamagandang laro para sa La Salle.
“The victory was amazing. We have to fight harder because we started slow,” sabi ni Laput. “Its against the rival school, rivalry game and again, it’s great to be victorious.”
“Points wise, I had no idea that I actually did that many but I’m proud of myself,” dagdag pa niya.
Nahila rin ng Lady Spikers ang kanilang winning streak kontra Blue Eagles sa 12 laro magmula pa noong May 2, 2017.
Nauna rito, nagbuhos si Eya Laure ng 28 points sa 23-of-47 attacks, na sinamahan ng 3 service aces at 2 blocks para sa University of Santo Tomas na kinumpleto ang Final Four cast sa 26-24, 22-25, 25-16, 25-23 panalo kontra Far Eastern University.
Nakakuha rin ang Tigresses ng suporta mula kina libero Det Pepito, na nakakolekta ng 21 digs at 19 receptions, at setter Cassie Carballo, na gumawa ng 17 excellent sets, upang kunin ang nalalabing puwesto.
“Final Four, thank you Lord! B7 activated especially nung latter part ng laro,” sabi ni coach Kungfu Reyes, patungkol kay Pepito, na pinangunahan ang panalo ng UST. “Si Detdet ang hinahanap namin nung first set, second set at least nag-activate yung B7 namin.”
Bukod kay Pepito, pumutok din si Laure sa fourth set, kumana ng back-to-back service aces na bumasag sa final deadlock ng laro sa 17-17 at tinampukan ang 5-0 run ng Tigresses na bumura sa three-point lead ng Lady Tamaraws.
Nakatuon ngayon ang UST sa nalalabing twice-to-beat Final Four bonus, kung saan ang España-based side ay kasalukuyang tabla sa defending champion National University sa 9-3 sa second place, at tangan ang half-a-game lead kontra fourth-running Adamson (9-4).
Magsasagupa ang Tigresses at Lady Bulldogs sa Miyerkoles, kung saan ang mananalo ay lalapit sa pagkopo ng semis incentive.
Nasundan ni Imee Hernandez ang kanyang career game laban sa Ateneo na may 19 points, at naitala ang tatlo sa 10 blocks ng UST.