LAGUNA – TIMBOG sa elemento ng Calauan Drug Enforcement Unit (DEU) ang 22-anyos na estudyante na napapabilang sa No. 1 Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad, matapos na magkasa ang mga ito ng buy bust operation sa Brgy. Dayap kahapon.
Ayon sa ulat ni PMajor San Juan Felmar Aquino, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang naarestong suspek na si Emerson Cantalejo y Gonzales, residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, dakong alas-2:10 ng hapon ng magkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ni Aquino sa lugar sa pamumuno ni DEU Team Leader PSSgt. Deo Mark Mitra at kanyang mga kasamahan habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang halagang P200.
Sa harap ng barangay officials at pulisya, hindi na nagawa pang makapalag ng suspek kasunod ang pagkakumpiska ng mga ito ng isang medium at small heatsealed transparent plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot sa halagang P1,000.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Calauan-PNP Substation na kakaraos pa lamang ng kanyang kaarawan kamakalawa kung saan nahaharap ito sa paglabag sa Article II, Section 5 and 11 of RA-9165. DICK GARAY
Comments are closed.