No. 2 SEED ANG BOLTS

Mga laro ngayon:

2 p.m. – Meralco vs Ginebra

4:35 p.m.- NorthPort vs Alaska

NAKOPO ng Meralco ang inaasam na twice-to-beat bonus nang malusutan ang matikas na pakikihamok ng NLEX, 104-101, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagbuhos si Allein Maliksi ng team-high 22 points habang gumawa si Bong Quinto sa endgame ng dalawang key plays, na naging tuntungan ng Bolts para manaig sa Road Warriors.

Sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 8-2 record overall, ang Bolts ay nakasisiguro na magtatapos sa eliminations sa No. 2 kahit matalo sila sa huling araw ng eliminations kontra Barangay Ginebra ngayong araw.

“This was crucial for us,” wika ni Meralco coach Norman Black matapos ang panalo kung saan lumamang ang kanyang koponan hanggang sa 85-65 sa third period subalit muntik kumulapso sa endgame.

“The last eight minutes wasn’t that very pretty but at this point of the season every win counts and now we can look forward to our game tomorrow against Ginebra and look forward to the playoffs,” ani Black.

Ang pagiging No. 2 sa elims ay may kaakibat ding twice-to-beat advantage laban sa No. 7 team na ikinatuwa ni Black.

“We’re happy for that. We’re happy to get that twice-to-beat for the first time in the history of the Meralco franchise and we were able to do it,” sabi ni Black.

Nanguna para sa NLEX si rookie Calvin Oftana, na kumana ng career-high 34 points, kasama ang walong triples, isang all-time high para sa isang baguhan na binura ang naunang record na naitala ni Allan Caidic para sa Great Taste sa 1987 Open Conference finals.

Sa pagkatalo ay bumagsak ang NLEX sa 5-6 marka, kung saan ang tsansa nito na makuha ang no. 6 spot o mahulog sa seventh at sa twice-to-win handicap laban sa Meralco sa susunod na round ay nakasalalay ngayon sa resulta ng NorthPort-Alaska duel ngayong araw. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (104) -Maliksi 22, Pasaol 17, Belo 16, Almazan 13, Caram 10, Quinto 10, Pinto 8, Jackson 2, Baclao 2, Jamito 2, Jose 0, Newsome 0, Hugnatan 0.

NLEX (101) – Oftana 34, Soyud 14, Quinahan 13, Trollano 9, Ighalo 8, McAloney 7, Paniamogan 6, Semerad 3, Cruz 3, Miranda 2, Alas 2,, Porter 0, Ayonayon 0, Galanza 0.

QS: 30-20, 65-54, 89-74, 104-101

5 thoughts on “No. 2 SEED ANG BOLTS”

Comments are closed.